Sunghoon's
Naglalakad na kaming tatlo pabalik sa room para sa next subject. Galing kami sa audio visual room sa kabilang building. Natigil kami sa paglalakad ni Bea nang lumiko si Christine sa canteen.
"Hindi na makapaghintay ng lunch break? Isang period na lang oh" Si Bea habang naglalakad kami kasunod niya.
"Nandito na lang rin naman tayo" Sagot niya lang at dumiretso sa stand kung saan nakalagay yung mga biscuit. Umupo na muna kami ni Bea dahil alam naming matagal siya pumili ng pagakain.
"Anong gusto niyo? Libre ko dali. Samantalahin niyo na hangga't good mood pa ako dahil tapos na rin yung defense natin" She said and then looked at us. Halos hindi na niya rin mahawakan yung mga biscuit at may dalawang Dutchmill pa siyang kinuha.
"Wag na, mukhang hindi ka na nga magkandaugaga diyan sa hawak mo" Sagot ni Bea. Sumimangot naman siya at pabirong umismid. Nahulog pa yung isang Hansel mula sa kaliwang kamay niya. Agad naman ako tumayo at pinulot iyon. Kinuha ko rin yung kalahati ng dala niya at tinulungan siya bitbitin ito papunta sa counter para magbayad.
"Ikaw Sunghoon? Pumili ka na lang dito. Ano ba gusto mo?" Baling niya naman sa akin at inilapag niya sa harap ni ateng bantay sa canteen yung mga pagkain.
"Ikaw" Sagot ko. Tinignan niya naman ako na parang nalito siya.
"Ikaw bahala. Baka kunin ko yang Pretzels sige ka." Tumatawang sabi ko. Bigla niya akong tinaasan ng kilay.
"Ayan ang wag na wag mong gagawin, Park Sunghoon. Magkaka-world war 3 talaga pag nagkataon." Sagot niya. Tumawa na lang ako at ginulo yung buhok niya. Hinawi naman niya agad yung kamay ko at tinignan ako ng masama.
"Alam mong tamad ako magsuklay tapos guguluhin mo yung buhok ko?" Sambit niya at kinuha na yung plastic matapos magbayad.
"Kapag ikaw napagalitan na naman ng prof dahil nagrerecess ka sa klase, standing ovation ka na naman jan" Saad ni Bea. Tinawanan lang siya nito. Nung isang beses kasi ay tinawag siya sa recitation sa Law pero hindi siya makasagot dahil ngumunguya siya ng cheesecake. Buong period ay pinatayo lang siya nung prof namin.
Natapos yung klase namin nang hindi nahuhuli si Christine na kumakain sa upuan niya. Sa may bandang likuran niya rin kami umupo. Minsan ay hinihila niya pa ako palapit sa kanya para matakpan yung mga biscuit niya sa lamesa, kapag naglalakad sa aisle yung prof namin. Good thing the professor never caught her.
"Saan tayo maglulunch?" Tanong sa amin ni Christine pagkalabas nung prof namin sa English. Si Bea naman ay nag-aayos ng gamit niya.
"Wow dinaig mo pa yung mga mukbanger sa YouTube. Buong period, kumain ka lang tapos nauna ka pa talaga mamroblema kung saan tayo kakain ng lunch?" Sagot ni Bea at isinara yung zipper ng bag niya pagkalagay nung libro.
"Iba naman yon eh, biscuit lang yon." Sagot naman niya at nagpout. Ang cute.
Lumabas na kami sa classroom. Medyo natagalan lang ng konti dahil inayos ko pa yung mga gulu-gulong upuan.
"Canteen? Jollibee? Or Mcdo??" Tanong ni Bea kay Christine. Medyo hindi niya pa narinig ito dahil maingay sa hallway. Marami na rin naglalabasan para sa lunch break.
"Ha?" Tanong niya at inilapit yung tenga niya sa akin. I was a bit taken a back by her gesture.
"Ako yung nagtatanong gaga. Sabi ko saan tayo maglulunch kamo, kung sa canteen na lang or mag-Jollibee pa tayo o Mcdo?" Sagot ni Bea.
"Baka puno na sa canteen agad eh. Si Sunghoon kasi ang tagal mag-ayos ng mga upuan" Pabirong sagot niya at tumingin sa akin.
"Gulo-gulo kasi." Pagot ko na lang rin.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfic"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)