Christine's
"Pakisabi sa Tita Janine mo na after lunch na kami susunod. May kailangan lang ako ayusin saglit sa boutique. Sa labas na lang rin kami kakain ni Ni-ki. Kumain na lang rin kayo ni Jay sa labas kapag inabot kayo ng lunch sa pamimili." Nakasimangot kong kinuha yung bag kong nakasabit malapit sa hagdan. Bakit kasi nadamay pa ako sa pantitrip ni Tita Janine kay Jay. Si Mama hindi ko malaman kung anak ba talaga niya ako o ano.
Kahapon pa niya ako pinipilit na samahan raw si Jay dahil inutusan ito ni Tita Janine na mamili ng mga kailangan para sa New Year celebration. Hindi ko alam kung anong trip ni Tita o kung natrigger ba ito kay Jay at naisip niya na ito ang pumunta sa mall ngayon para mamili. Pagtatawanan ko pa lang sana si Jongseong pero inutusan ako ni Mama na samahan ito. Magluluto rin daw siya ng Chicken Curry at inutusan niya rin ako sa pamimili. Nirequest kasi raw kasi ni Tita Janine ang specialty niyang Chicken Curry.
Unfortunately, hindi makakauwi si Papa from Canada this Holiday season. It's his second time na hindi makakapagcelebrate ng New Year dito. And yes, nung Christmas last week ay siyempre hindi rin. After ng Batanes trip ay wala naman ring masyadong nangyari nun. Nagsimba lang kami nina Mama at Ni-ki nung Christmas. Hindi na rin kami naghanda ng sobra nung Christmas Eve and yun nga, napagdesisyunan nila ni Tita Janine na sa kanila na kami magcelebrate ng New Year.
Si Kuya Heeseung naman ay bumalik raw sa Batanes para dun magcelebrate ng New Year. Babalik siya after nung Death Anniversary ng Mama niya na two days after ng bagong taon. Gusto man ni Tita Janine na makasama namin siya sa pagcecelebrate ng New Year, hindi na lang rin niya ipinilit pa dahil gusto niya raw respetuhin ang kung ano mang desisyon ni Kuya Hee.
"Alis na po ako. Hihintayin ko na si Jay sa harap ng gate." Paalam ko may Mama. Hindi na rin siya sumagot dahil busy na rin siya ayusin yung mga laman ng bag niya.
"Lagi mo na lang ba ako paghihintayin?" Pagkalabas ko ng gate ay bumungad sa akin si Jay at yung sasakyan niya. Jusko, siya nga dapat hihintayin ko dito sa tapat dahil akala ko ay wala pa siya. Di na ba uso sa kanya ang magchat?
"Oh eh bakit hindi ka nagchat?" Sagot ko. Aga-aga inuuna niya init ng ulo niya.
"Tinatamad ako eh." Lord. Pahingi po ng pasensiya para hindi ko masuntok tong lalaking nasa harapan ko ngayon.
Pumasok na lang rin ako sa loob ng sasakyan bago pa kami magsuntukan dito. Kung hindi lang talaga sinabi ni Mama, hindi ko to sasamahan.
"Badtrip. Ang dami." Rinig kong reklamo niya habang may kung anong notes na tinitignan sa phone niya. Baka iyon ang mga ipinapabili ni Tita Janine. Ang binilin lang sa akin ni Mama ay yung mga kailangan sa Chicken Curry.
Pinilit kong pigilan yung tawa ko nang makitang nakabusangot yung mukha niya. Baka lalong mag-init pa yung ulo niya. Hindi ko rin magets si Tita dahil sandamakmak ang katulong nila pero si Jay pa ang napagtripang utusan.
"Seryoso ba siya dito?" Hindi parin siya nagsisimulang magdrive at nakatitig parin sa phone niya.
"Kung umaalis na tayo dito, edi nauubos na yang nasa listahan." Hindi ko na napigilan na bulyawan siya. Sa tingin niya ba mabibili namin yan kapag tinitigan niya maghapon?
"Takte, bakit ka ba sumisigaw?" Naiinis na sambit niya. Please, gusto ko na siya tirisin agad. Partida, hindi pa kami nakakaalis niyan. Hindi na lang rin ako sumagot pa. Nagsimula na rin siyang magdrive paalis.
Wala pang isang oras nang makarating rin agad kami sa mall.
"Hintayin mo ako sa entrance." Bilin niya pagkalabas ko ng kotse. Agad naman niya itong pinaandar para maghanap ng mapaparkingan.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)