10.

88 25 32
                                        

Christine's

Huminga ako nang malalim bago lumabas sa cubicle. Mga ilang minuto rin akong nakatulala sa salamin at malalim na nag-isip. Hindi ko parin alam kung paano ko ba sisimulan. Sabi ni Jongseong ay mas mabuti na rin na sabihin ko kay Ate Bea. Wala na ring panahon para patagalin pa. Bukas, dadating na siya. Bukas, uuwi na si Kuya Heeseung.

Lumabas na ako. Narinig ko rin na binati ako ng mga kakilala ko sa ibang department pero tipid na ngiti lang ang naisagot ko. Ang bigat sa loob. Kapag iniisip ko pa lang, parang gusto ko na lang umatras at umuwi. Ang hirap maipit sa sitawasyon ng dalawang taong mahalaga sayo. Sa tuwing naalala ko ang gabing yon, parang bumalik lahat ng takot na naramdaman ko nung mga sandaling yon. Yung takot na baka gumuho yung bagay na matagal niyong iningatan. Yung takot na baka isang araw, gumising na lang ako, hindi na katulad ng dati ang lahat.

"Ay kalabaw na mamaw." Nagulat ako nang may maramdaman ako na kamay sa dalawang balikat ko. Namalayan ko rin na nakalampas na pala ako sa room kung saan kami magkaklase.

"Kung hindi kita nakita baka nagdire-diretso ka sa hagdan. Bakit ba ang tagal mo? Sabi ni Bea tignan ko raw baka nalunod ka na sa bowl" Si Sunghoon pala.

"May prof na ba?" Tanong ko para maiba yung topic. Umiling lang siya at di na nangulit pa habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Hoy bakit ba ang tagal mo? Akala ko sa cr ka na titira eh." Bungad sa akin ni Ate Bea pagkaupo ko sa puwesto ko. Nararamdaman ko rin na vibrate nang vibrate yung phone ko at nagnonotif yung mga chat ni Jay.

Alam kong sa aming tatlo, si Jongseong ang pinaka-excited sa pag-uwi ni Kuya Heeseung. Naalala ko pa na halos isang linggo raw nagkulong sa kwarto si Jongseong nung umalis si Kuya Hee papunta sa Paris. Lahat rin naman kami nagulat dahil sobrang biglaan. Hindi namin inakala.

Hiningi ko rin kay Jay kahapon yung number ni Kuya Hee na nacocontact niya nung mga nakaraang araw pero hindi ko alam kung bakit wala akong lakas na loob na i-dial ito. Masaya ako na babalik na siya pero natatakot ako sa maaring mangyari. Napatingin na lang ako sa katabi ko na matiim na nakikinig sa Prof namin sa unahan. Gayun rin naman si Sunghoon. Ako? Lumilipad lang ang isip ko hanggang matapos ang klase.

"Ayaw mo pa umuwi?" Rinig kong tanong ni Ate Bea. Nagulat naman ako nang makitang nakatayo na sila at wala na ring ibang tao sa room kundi kami na lang tatlo.

"Huh? Uwian na ba? Diba may susunod pang klase?" Tanong ko naman pabalik. Napatampal na lang sa noo niya si Ate Bea at si Sunghoon naman ay tinignan ako na bahagyang natatawa. Bakit? Meron pa naman talaga kaming klase ah.

"Halatang lutang ka buong klase at wala kang naintindihan sa mga pangyayari" Sermon ni Ate Bea.

"May meeting yung mga Prof sa faculty room para sa upcoming midterm exams before mag Christmas break" Sagot naman si Sunghoon. Bakit hindi ko iyon narinig kanina. Sabagay, ni wala nga akong nasundan na kahit ano sa lesson. Masyado talaga atang preoccupied yung utak ko. Hindi ko na alam. Hangga't hindi ko ito nasasabi sa kanya ay hindi ako matatahimik.

"Ano tara na. Ano pa't maaga tayong pinauwi kung magtatagal rin naman tayo dito." Yaya ni Ate Bea. Nag-aalalang tumayo ako. Hindi ko na kaya ito. Parang bibigay yung puso ko anytime.

"Ate Bea, si Kuya Hee." Gusto kong tahiin bigla yung bibig ko dahil wala sa wisyo kong naibulalas iyon. Kaninang umaga ko pa iyon kinikimkim. Mistulang nabunutan ako ng tinik nang masabi ko iyon.

Hindi ko mabasa yung ekspresyon niya. Hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip niya. Biglang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ang daya naman ni Jongseong, at parang ako lahat umako ng bigat.

"Oh anong meron?" Sagot niya. Parang mistulang nanlamig yung boses niya. Gusto kong magsalita pero parang naparalisa yung labi ko.

"Ano nga yon?" Sambit niya ulit at sa pagkakataong ito ay ngumiti siya at pinilit na gawing normal yung tono niya. Pero alam ko na may mali.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon