33.

86 7 4
                                    

Christine's

"Christine, kanina pa nandito sa sala si Jj." Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, wait lang po." Sagot ko.

Nanggigigil ako Park Jongseong. Ang usapan nine o'clock. Punyemas maga- alas otso pa lang oh. Ano bang nakain niya today at ang aga niya. Normally ang Park Jongseong time ay mas late pa sa Filipino time. Tapos idadahilan pa niya na kesyo hindi niya narinig yung alarm or 'pm' pala napindot niya imbes na 'am'.

"I'll go ahead na. Ni-ki said he'll stay at Sunoo's house muna after nila mag-bike. Baka mamayang gabi na ako makauwi from boutique." Bilin ni Mama. "And please, hurry up. Kanina pa naghihintay yung ka-date mo sa baba." Dagdag pa niya.

"Ma! Hindi kami magdedate okay?" Umirap ako. Mukhang hindi naman siya naniwala dahil tinignan niya lang ako nang nakakaloko.

"Tita Janine told him to run some errands sa mall. Sasamahan ko lang siya." Hindi ako pinansin ni Mama at nakangiti paring bumaba.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. I don't normally tie my hair but this time I did a half ponytail. I also applied minimal make up.

"My dress doesn't look that good to me, I guess." Sambit ko at muling binuksan yung cabinet ko.

Pangatlong palit ko na tong suot ko ngayon and until now, I don't feel satisfied. Kinuha ko yung peach na knee-length dress na medyo lace yung skirt part.

Napangiti naman ako nang makita ang sarili sa whole body mirror pagkasuot ko ng dress.

"Better." Sambit ko.

I was finger combing my hair to fix it again when I suddenly realized what I was doing right now.

This isn't a date, Christine.

Bakit ba ako hindi mapakali? I mean hindi naman ito ang unang pagkakataon na pupunta kami sa mall. This isn't the first time na sasamahan ko siya in running errands for Tita.

For the last time, I checked myself on the mirror. I don't know why I suddenly felt nervous while walking down the stairs.

What if I don't look good? What if my dress doesn't look nice? My hair? What if my make up doesn't fit-

"Hey!" He said and suddenly stood up from sitting when he saw me. "Uhm-" He uttered and suddenly looked away.

"Huh?" Tanong ko.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya pabalik at tinignan muli ako.

"Bakit ang aga mo?" Ibinalik kong muli sa kanya ang tanong. Bakit parang kasalanan ko na now? Siya tong ang aga-aga pumunta.

Lumabas na rin kami ng bahay. I locked the front door and may susi naman si Ni-ki so he can still come in if umuwi siya nang wala pa ako.

"Pretty." Rinig kong sambit niya. Mabilis ko siyang nilingon habang sinasara yung gate. "I mean the flowers at your backyard." Dagdag niya nang mabilis. Tinignan ko yung tinitignan niya. Yung tanim pala ni Mama na sunflower.

"Kailan ka pa naging Plantito?" Tanong ko sa kanya. Ewan ko kung bakit bigla ako nairita. Basta. Nakakainis. Hindi ko rin alam kung bakit.

"You sound like you're offended." Natatawang sabi niya nang makapasok kami sa kotse. Ako? Offended? Bakit naman? Tototo namang maganda yung sunflower diba?

" Ha? Bakit naman ako mao-offend?" Sagot ko. Tumawa lang siya.

Punyeta nakakainis.

"Prettier." Sambit niya. Hindi ko siya pinansin. Baka kung ano na naman sinasabihan niyang maganda.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon