21.

70 9 10
                                    

Jay's

"Hindi ka pa ba nahihilo? Pang-apat na balik na natin sa carousel." Hindi ko maintindihan sa babaeng to kung ano ang trip sa buhay. Pabalik-balik kami kanina pa sa parehong ride.

"Sino ba may sabing sumama ka sakin? Sinusulit ko yung ride-all-you-can ko eh." Sagot niya. Umupo na muna kami sa bench. Buti naman at napagod rin siya.

Hindi na lang ako sumagot pa. Nilingon ko siya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.

"Sunghoon! Dito!" Sigaw niya at agad namang naglakad ito papunta sa kinaroroonan namin. Wow ang laki ng ngiti ah. Binilhan lang naman ng tubig, anong nakakasaya dun?

"Sure ka, tubig lang gusto mo?" Tanong nito na kakarating lang. Tsk. Ang kulit. Kakasabi lang kanina.

"Oo, kakain na rin naman tayo mamaya pag balik nina Kuya Hee." Sagot ng katabi ko.

Gusto kasing sumakay nina Ni-ki at Sunoo sa mga extreme rides kasi diba ano nga bang gagawin mo sa amusement park? Wala ako sa mood sumakay sa mga rides ngayon kaya nagpaiwan na lang rin ako, hindi ko naman alam na mahihilo ako sa pagpapabalik-balik sa carousel dahil sa babaeng to.

Nagulat ako nang inalok niya sakin yung tubig pagkatapos niyang uminom. Nakita ko rin sa peripheral vision ko ang gulat na mukha ni Sunghoon. Bakit basta-basta na lang siya nag-aalok ng tubig na ininuman niya? Napakabano.

"Ayoko nga. Kaya nga di ako nagpabili eh." Sagot ko. Umirap lang siya. Hindi ko alam bakit naiinis ako nang walang dahilan. Ang ganda ng gising ko kaninang umaga kaso may panira.

"Sunghoon, uso umupo." Narealized naman nung Sunghoon na kanina pa siya nakatayo kaya agad siyang umupo sa tabi nito. Kailangan pa sasabihan?

"Ni-ki looks so happy." Rinig kong komento ni Sunghoon. Sina Kuya Heeseung ay naglalakad na papunta sa bench na inuupuan namin.

"Hindi kayo umalis jan? Jay diba fave mo yung roller coaster, bakit di ka sumama sa amin?" Tanong ni Kuya Hee. Nauuna siya maglakad at kasunod niya si Bea at yung dalawang bata, na pawis na pawis.

"Sawa na ako. Boring na." Tipid kong sagot. Tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala.

"Mukhang nag-eenjoy na naman sa carousel." Sarkastikong sambit ni Kuya Heeseung. Lumapit siya kay Sunghoon at nag-usap sila. Kung hindi lang birthday ni Ni-ki kanina pa ako umuwi.

"Huy bakit nakabusangot yan?" Rinig kong tanong ni Bea nang makalapit sila. Tinignan naman ako ni Christine kaya nagtama yung paningin namin.

"Baka nahilo lang sa carousel HAHAHAHAHA." Saya ka jan? Naiinis dapat ako pero pinanood ko lang siya tumawa. Ano yan, Jay?

"Tara lunch muna tayo. Kanina pa nagyayaya sina Ni-ki sa 7D eh." Pag-aya sa amin ni Kuya Heeseung.

Nadaanan namin yung Balloon Dart habang naglalakad papunta sa kakainan namin.

Naramdaman kong may sumiko sa akin.

"Ano? Kaya mo na ba ako talunin diyan?" Nang-aasar na tanong niya.

"Tsk. Yabang." Nakangising sagot ko. "Sisiw na." d
Dagdag ko pa.

"Una na kayo, sunod na lang kami. Saglit lang." Pagpapaalam niya kina Kuya Heeseung. Hindi niya na hinintay pa ang sagot nila. Hinigit niya yung dulo ng T-shirt ko papunta sa tapat ng Balloon Dart.

-

"Oh. Kung sino ang manalo sa atin, sa kanya ang Mickey Mouse na headband. Ano? Call?" Natawa pa ako dahil halos di nga niya abot yung bintana sa Balloon Dart.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon