Christine's
"Gustuhin ko man Christine, pero babagsak na talaga yung mga mata." Pinipilit ko parin si Ate Bea na tumayo sa kama. Kakakain pa lang namin ng dinner pero diretso tulog ang gagawin niya?
"Samahan mo na kasi ako. Magpatunaw ka muna ng kinain mo. Bilis na." Hindi parin siya nagpatinag.
"Jusme Christine, akala ko ba takot ka sa mataas? Eh bakit ka aakyat sa tuktok ng lighthouse?" Tanong niya naman. Medyo napaisip rin ako dun ah.
"Hindi naman raw masyadong mataas yun. At may harang naman raw. Safe na safe naman according kay Kuya Hee" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Hindi naman ganun kalala yung fear of heights ko. Sadyang hindi mo lang talaga ako mapapasilip sa bintana ng eroplano habang umaandar or mapapasakay sa roller coaster.
Nakuwento kasi kanina ni Kuya Heeseung na may lighthouse nga raw malapit dito. Gusto ko sanang puntahan kaso ayaw naman ako samahan nitong babaeng to. Panget kabonding amp.
"Bakit ba kasi ako ang hinihigit mo? Kung si Jay yung hinihila mo papunta dun, edi hindi ka na nahihirapan pa mamilit ng ibang tao na gusto na matulog." Sambit niya at nagtakip na ng unan sa mukha.
Kaya ko nga gusto magpahangin sa lighthouse ay para makapagrelax tapos gusto niya isama ko si Jongseong don. Edi nadagdagan lang konsumisyon ko.
Ayoko naman ayain si Kuya Heeseung dahil nakikipagkuwentuhan siya sa mga pinsan niya sa sala. Matagal-tagal rin silang hindi mga nagkita kaya sinusulit ni Kuya Heeseung ang oras bago kami umuwi bukas. Ayoko rin istorbohin si Sunghoon dahil baka tulog na rin siya sa kabilang kwarto.
"Hmp bahala ka nga jan." Binato ko sa kanya yung isang unan at naglakad na palabas sa pinto. Pagbukas ko ay siya ring bukas ni Sunghoon ng pintuan sa kabilang kwarto nila.
"Bababa ka?" Tanong ko. Nagulat rin naman siya nang makita ako na lumabas.
"Oo sana. Papahangin?" Sagot niya. Yun! Mukhang di ako magiging loner sa lighthouse ah.
"Tara? Sa lighthouse? Gusto ko rin magpahangin eh" Pag-aya ko sa kanya.
"May lighthouse malapit dito?" Tanong niya na mababakas sa tono niya ang pagkasabik.
"Yup. Yup. Tara na?" Sagot ko. Nakajacket rin siya tulad ko. Medyo malamig na rin kasi talaga ang simoy ng hangin dahil December na, idagdag mo pa na magte-ten na ng gabi.
Rinig ko pa ang tawanan nina Kuya Hee sa sala pero hindi nila kami napansin. Gusto namin sana magpaalam pero ayaw namin makaistorbo sa kwentuhan nila kaya nagdire-diretso na lang kami na dumaan sa likurang pinto sa kusina.
"Hindi ko rin napansin kahapon na may nadaanan pala tayong lighthouse." Sambit ko nang makalabas kami ng gate. Nakailang hakbang pa kami nang makita na namin ang tuktok ng lighthouse.
"Pwede ba tayo umakyat diyan?" Nag-aalangang tanong niya. Ang sabi ni Kuya Heeseung ay pwede naman raw umakyat basta basta sa tuktok nito. Meron din raw na ilaw sa hagdan kaya't hindi kami mahihirapan umakyat.
"Pwede naman raw sabi ni Kuya Heeseung." Sagot ko at naglakad na pupunta. Sumunod na rin naman siya sakin.
Nasa baba pa lang kami ay ramdam ko na ang hampas ng hangin, lalo pa kaya sa tuktok.
"Dahan-dahan." Saad niya at hinawakan ako nang marahan sa braso. Umaakyat na kami sa masikip na hangdan pataas. Nauuna ako at nakaalalay naman siya sa ibaba. Hindi ko rin mapigilan ang magmadali dahil nae-excite ako masyado.
"Sunghoon! Ang ganda." Bulalas ko. Nakaakyat na rin si Sunghoon at halos matulala rin siya sa ganda ng view mula dito sa tuktok.
Kinapa ko yung bulsa ko at napatampal na lang ako sa noo ko nang hindi ko maramdaman ang cellphone ko. Jusme Christine, alangan naman bumalik ka pa sa bahay.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)