Christine's
"Balik po ako before lunch." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng pinto.
In less than a month, magsisimula na ulit ang school year. Yung ibang mga estudyante sa PU, sinusulit na ang natitirang araw ng bakasyon, pero eto ako ngayon, may kailangan pang ihabol na paper work.
Wala naman rin akong dapat sisisihin kundi ang sarili ko. I failed one of my filo subject kaya need ko i-compensate iyon with a paper work. May part rin siguro sa PU na mali kasi super late sila nagbigay ng notice sa mga may failing grades and the PU portal itself, super late mag-generate ng grades. I should've acted upon this before my birthday, or some time earlier after the last school day.
Anyways, wala na rin naman magagawa. I'm still thankful kasi our professor still gave me consideration. I don't even know though bakit ba ako bumagsak, but I think it was that one time na bumagsak ako sa dalawang magkasunod na surprise quiz niya.
People may laugh at me kapag sinabi ko na gusto ko maging abogado. I don't know. Sabi nila, dream big daw. Probably the first year was just my adjusting phase pa since college is on a different level. I promise, I'll do better next year. I have adjusted enough.
"Ay palakang blue!" Nagulat ako nang bumungad sa harapan ko si Jay pagkalabas ko ng gate. Ang laki ng ngiti ng loko. Ano meron?
"Bakit ka nandito? Aalis ako diba sabi ko?" Ako habang sinasara yung gate.
"Exactly. Hahatid kita." Nakangiti parin siya. Nausog ba to? Bakit ang saya niya masyado?
"Huwag na. Mabilis lang naman ako. Mag-review ka na lang para sa entrance exam ng PU." Sambit ko. Sumimangot naman siya.
"Nagreview na ako kahapon eh." Sabi niya sabay pout. Lord, bakit po siya nagpapacute?
"Kahapon yun!" Sagot ko. Hindi naman siya sumagot. Bwiset bakit biglang nakakaguilty?
"Sige. Uwi na lang ako." Sambit niya at akmang papasok na sa kotse.
"Hoy teka! Eto na. Papahatid na." Pagpigil ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin and this time, nakangiti na ulit siya. Abnormal amp.
Sumakay na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag-drive.
"Why do you need to go there? Bakasyon naman." Tanong niya. Nakalabas na rin kami sa subdivision.
"Huwag ka na lang magtanong. Mag-drive ka na lang." Ayoko nga sabihin sa kanya. Baka mang-asar lang yan pag nalaman niyang may ipapasa ako dahil bumagsak ako.
"Remedial?" Tanong niya. Mabilis ko siyang nilingon. Nagpipigil siya ng tawa. Eto na nga po ang sinasabi ko.
"H-hindi no. May ibibigay lang ako kay Ate Bea sa registrar." Pagdepensa ko. This time, tuluyan na siyang natawa.
"Dumaan ako sa shop nila before coming here. May pinabili si Dad. She's there." Saad niya.
Lupa kainin mo na ako.
"Oo na oo na. May ipapasa akong paper work kasi bagsak ako sa filo. Ano okay ka na?" Sambit ko at inis na lumingon sa bintana.
"Filo lang? Hina mo naman. Ako nga pati Calculus bagsak." Sagot niya. Park Jongseong? Major subject? Sana hindi ma-high blood si Tita Janine sayo.
"Bagsak ka sa Calculus? Akala ko ba bawal ka mag-PU kapag nagkaroon ka ng failing grades. Usapan niyo iyon ni Tita ah." Tanong ko sa kanya.
"You know Mom. She's very supportive. Sinabi niya lang yun. Shes know how bad I want to leave SPC and to transfer PU. Pumayag parin siya in the end." Page-explain niya. "And I retook the final exam rin naman, both sa filo at cal and submitted some activities kaya nacompensate na." Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)