30.

88 7 9
                                        

"Wow." Natigil si Christine sa paghabol sa puting tuta nang mapadpad sa likurang bahagi ng mansyon.

"Snowy. Bumalik ka dito." Pagtawag niya sa tuta ngunit hindi parin maialis ang mata sa tree house na nasa harapan niya.

Bahagyang kinalkula sa isipan kung kaya niya ba akyatin ito. "Hindi naman ganoon kataas." Sambit niya sa sarili.

"Wow-" muling bulalas sana ng batang babae ngunit naputol ito dahil sa galit na sigaw ng batang kasalukuyang nasa loob ng tree house.

"I SAID LEAVE ME ALONE. I DON'T WANT TO BE HERE!" Hindi siya tinignan ng batang lalaki na nakaupo sa mistulang kama sa loob at nakatalikod mula sa kanya.

"Bakit ka sumisigaw?" Inosenteng tanong nito. Agad namang lumingon ito sa kanya. Bahagya pa itong nagulat dahil ito ang unang pagkakataon na makita siya nito.

"Who are you?" Nakakunot na noong tanong nito.

"Hello, my name is Christine. Ikaw ba si Jay?" Sagot ni Christine. Hindi naman siya nakikinig siya sa usapan ng matatanda pero nabanggit kanina ng Tita Janine niya na Jay ang pangalan ng anak nito.

"Huh? How did you know my name?" Nagtatakang tanong nito. "And why are you here?" Tumaas muli ang boses nito.

"Tsk-tsk. Tama nga si Tita Janine. Maiinitin nga ang ulo mo." Sagot lang ni Christine at umupo pa sa tabi nito.

"Leave." Sambit muli ni Jay. Tumayo naman agad si Christine mula sa inuupuan. Agad siyang sinundan ng tingin nito.

"Ayoko." Sagot ni Christine at umupo sa pasa-mano ng bintana. Napalunok pa ito ng sariling laway nang makita ang baba mula sa itaas. Hindi niya gusto ang matataas na lugar. Sadyang naenganyo lamang siya na umakyat sa tree house dahil kaaya-aya ito sa mata.

"When I tell other kids to leave, they left me immediately. Why are you still here?" Nagtatakang tanong ni Jay at lumapit pa sa kanya.

"Let's say, I'm stubborn." Preskong sagot lang nito habang mahigpit na kumapit sa gilid ng bintana. Sa isip-isip niya'y bakit niya ba piniling umupo doon.

"Annoying." Sambit ni Jay ngunit hindi naman umalis sa kinaroroonan nito.

"I'm not! Ikaw nga yun eh. Kanina mo pa ako sinisigawan. Sagot naman ni Christine.

"If you stay there, you'll fall. I don't want to witness broken bones." Walang ganang puna ni Jay at tinignan nang naiirita ang batang babae na kasalukuyang nakaupo sa bintana ng tree house.

He never thought of doing that at least once since it looks dangerous. But that moment, he thought that it can be fun.

"Grabe, broken bones agad-aaaaaaa oh my god!"

Bahagyang nakabitaw si Christine dahilan para muntikan itong mahulog. Jay and his fast reflex immediately prevented the girl from falling, making them stumble together on the floor.

"I TOLD YOU, YOU'LL FALL!" Naiinis na singhal ni Jay at tinulak palayo sa kanya si Christine na kasalukuyang nagpipigil ng tawa.

"Pfffftt- grabe akala ko mamamatay na ako. Buti na lang ang bilis mo." Sambit nito.

"What's funny?" Tanong muli nito at umiiling-iling na lang si Christine bilang sagot.

"Hindi naman ako nahulog, bakit ka ba nagagalit?" Natatawang sabi nito.

Sa inis ay bumaba na lamang si Jay sa tree house.

"HOY! Hintayin mo ako!" Ani ni Christine at sinundan ito.

-

"Why are you here again?" Bakas ang pagtataka ngunit lamang ang pagkamangha sa loob-loob niya.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon