04.

150 26 14
                                    

Christine's

Nagising ako nang maramdaman kong nakatigil ang sasakyan. Idagdag mo pa ang amoy na nagpakalam ng sikmura ko. Hirap kong iminulat ang mga ko at nagulat nang walang makitang tao sa loob ng kotse. Iginawi ko ang tingin ko sa bintana at nagpagtanto na nasa harapan kami ng Mcdo. Sakto naman ang paglabas ni Ni-Ki na medyo gulo pa ang buhok kasama si Jay na nakaakbay sa kanya. May hawak si Ni-Ki na Mcfloat at sa isang kamay naman ni Jay ay may isang plastic ng take outs.

"Gising ka na pala." Pumasok na sila sa kotse at iniaabot ni Jay sa akin yung plastik ng pagkain. Ay hindi tulog pa ako kuya. Gusto ko sana siyang barahin kaso ayokong makipagbangayan.

"Ano gagawin ko rito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako nagpabili ng pagkain, sa pagkakaalala ko. Tsaka parang ang bait naman niya kung nagkusang loob siyang ilibre ako.

"Titigan mo hanggang maubos." Sarkastikong sagot niya habang ini-start yung sasakyan. Sabi ko nga dapat di akong nag-atubiling barahin din siya kanina. Hindi ba uso sumagot nang maayos sa kanya?

Sinipat ko ang laman ng plastic. May isang cheeseburger, tapos large fries at Mcfloat na walang chocolate syrup sa ibabaw. Yes, I don't like chocolate syrup on my float.

"Thank you. Babayaran ko na lang to mamaya." Sabi ko bago kinagatan yung cheeseburger. Dahil sa pagmamadali ay hindi pala kami nakapag-almusal ng maayos ni Ni-Ki kanina kaya siguro kumakalam agad ang sikmura ko.

"Wag ka na matulog, in less than an hour, baka nandun na tayo." Saad niya pero nakatingin parin sa kalsada. Binigyan niya ako ng pagkain, malamang kakain ako at hindi matutulog. Atsaka kakagising ko lang po oh. Sasagot pa sana ako pero nagsalita ulit.

"And no need to pay for that. It's just a food. Wag ka masyadong OA." Seryosong sabi niya. OA na pala ngayon magbayad nang kinain mo. Hindii ko na lang siya pinansin. Ayokong sabayan ang toyo ng lalaking to.

"Ni-Ki hindi ka nahilo sa biyahe?" Tanong ko sa kapatid ko. Umiling lang siya at iniabot sa akin yung basura ng Mcfloat na ininom niya. Parang laging tamad na tamad magsalita tong batang to.

Kumain na lang ako buong biyahe at hindi na rin naman ako inaantok dahil sa tingin ko ay lagpas isang oras na akong tulog kanina.

"We're here. Pwede na kayo bumaba dito. I'll just park the car." Itinigil na ni Jay yung kotse. Nakita ko na rin ang malaking gusali na sa tingin ko ay ang factory na ng Tito ni Sunghoon.

Bumaba na kami ni Ni-Ki at naglakad sa bungad nung factory. Nadatnan naman namin si Ate Bea at Sunoo na nandun na rin.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko. Lumapit naman agad si Ni-Ki kay Sunoo, na umiinom ng tubig habang hinahagod ni Ate Bea yung likod nito.

"Kakarating lang rin namin. Nag-park lang si Sunghoon" Sagot niya pero nag-aalalang nakatingin parin kay Sunoo.

"Inatake ba si Sunoo ng hika niya?" Pag-aalalang tanong ko.

"Hindi naman po Ate Christine. Napagod lang po ako sa biyahe." Sagot naman ni Sunoo. Iniabot niya na rin sa Ate niya yung tubig. Buti pa tong kapatid ni Ate Bea, sumasagot, yung kapatid ko parang ayaw makipag-usap sa tao. Ang galing nga at nagkasundo sila eh. Wala rin naman akong kilalang ibang kaibigan ni Ni-Ki. Si Sunoo lang.

Nakita naman na namin yung dalawa na naglalakad mula sa parking lot. Pinapaikot ni Jay yung susi ng kotse niya sa daliri niya habang si Sunghoon ay seryosong naglalakad na nakakunot ang noo. Anong nangyari sa dalawang to.

"Anong problema Sunghoon?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya ng seryoso. Tinignan ko naman si Jongseong na nagkibit balikat lang.

"Tara na?" Pagbasag ni Ate Bea sa katahimikan at pumasok na kami sa loob. Nakangiti naman kaming binati ng staff nina Sunghoon. Ngumiti si Sunoo pabalik sa kanila pero si Ni-Ki ay tinitigan lang ito ng tinatamad. Napaka talaga ng batang to.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon