Christine's
"Please regard to Heeseung my greeting." Iniiabot sakin ni Mama ang isang maliit na box na may ribbon. Nilagay ko ito sa bag ko kasama ang regalo ko rin para kay Kuya Hee.
Matipid akong sumimangot nang nagmamadaling lumabas na siya sa pinto. "Bilisan niyo na at nandito na sa labas si Jay." Sigaw ni Mama mula sa labas.
Huh? Bakit nandito yan?
Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang bumungad na doon si Jay. Napansin ko agad ang ayos ng buhok niya na iba sa karaniwang itsura nito.
"Alam kong pogi ako." Sambit niya. Sinimangutan ko siya at akmang isasara ang pinto pero mabilis niya naman itong nasangga.
"Bakit ka ba nandito? Hindi naman dito ang birthday party ah, sa bahay niyo." Sarkastikong tanong ko. Mabilis lang kaming tinignan ni Ni-ki at nagpatuloy sa pagsasapatos.
"So sasakay ka sa jeep ng ganyan yung suot mo?" Tinignan niya rin ako nang sarkastiko.
May batas ba na bawal sumakay sa jeep ang naka-long gown?
"Bakit? Bawal ba?" Naghahamong tanong ko. Hindi siya agad sumagot at umupo sa kabilang sofa, katapat ni Ni-ki.
"Bawal, sabi ko." Preskong sagot niya at isinandal ang likod niya.
Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. "At sino ka naman aber?" Tanong ko ulit.
"Jay Park." Kumindat pa ang mokong. Hindi ko alam kung bakit nagdidilim ang paningin ko. "But you can call me 'mine'." Dagdag niya pa. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ni Ni-ki sa gilid.
"Pasalamat ka birthday ni Kuya Heeseung ngayon kung hindi binuhol kita sa apat." Nagkakad na ako papunta sa pinto at ganun rin naman ang ginawa nung dalawa. Ni-lock ko ito pati na rin ang gate namin.
Sumakay si Ni-ki sa backseat. Binuksan ni Jay ang passenger seat sa unahan at hinihintay akong pumasok pero iniripan ko lang siya at umupo sa tabi ni Ni-ki.
"Tsk. Arte." Bulong niya na halata namang pinarinig rin talaga sa akin.
"Anong sabi mo?" Singhal ko sa kanya nang makapasok na rin siya sa loob.
"Sabi ko ang ganda mo Miss." Sagot niya lang at nagsimula nang mag-drive.
Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang nakatingin siya mula sa salamin sa unahan. "T-talaga. Dati pa. Ngayon mo lang nalaman?" Tinignan ko pa ang reaksiyon ni Ni-ki at buti na lang ay naka-airpods siya at nakapikit.
Mapang-asar namang siyang ngumiti kaya tinignan ko lanh siya nang masama. Wala ba siyang ibang hobby kundi ang pikunin ako?
"Bea's coming with Jake, I guess." Pagbasag niya sa katahimikan na bumalot sa loob makalipas ang ilang minuto lamang.
"Yeah, she mentioned it yesterday." Sagot ko at tamad na sumandal sa bintana.
"How about Park Sunghoon?" Tanong niya. "Kuya Hee invited him as far as I remember." Dagdag pa niya.
"He can't make it raw. May emergency." Sagot ko. Sungjae was rushed again to the hospital yesterday.
Yesterday, I was about to call him para tanungin siya ulit but then he called me and told me about Sungjae. His voice was full of fear and worry. He loves his brother so much and I know how painful it was for him to see Sungjae suffer.
Sunghoon barely attended classes for the past weeks. Siguro mga three times a week lang tapos minsan, hindi niya pa natatapos ang buong araw.
Hindi na sumagot si Jay at nagpatuloy na lang sa pag-dadrive.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Фанфикшн"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)
![𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈](https://img.wattpad.com/cover/269540145-64-k42465.jpg)