22.

73 9 5
                                    

Christine's

Nagulat ako nang may lumapit sa aking isang babae at sa hula ko ay senior namin. Pamilyar siya kasi parang ka-department namin siya. Medyo nahihiya pa ako dahil wala rin naman talaga akong gaanong kaclose na higher years.

"Hindi ba kaklase mo si Sunghoon?" Tanong niya. Ayoko maging assuming pero parang iritable siya or baka judgemental lang ako?

"Yes po?" Alangang sagot ko.

"Pakibigay nito." Sambit ni ate girl na akala mo nakakuha ng utusan. Kung hindi lang to mas matanda.

"Sige po." Tumango lang ako at kinuha yung envelop sa kanya. Hindi ko na inusisa pa pero may laman iyong mga bond papers na mistulang forms.

Bumalik na lang muna ako sa classroom at hindi na dumiretso sa canteen. Bakit kasi sa dami nang mahaharang, ako pa. Joke.

Nilapag ko sa desk ko yung envelop dahil nakapatong yung laptop niya sa desk niya. Tumingin siya saglit pero ibinalik niya ulit yung mata niya sa ginagawa niya. Cramming kami ngayon dahil may isang position paper study kami na need ipasa. First year pa lang kami pero halos bugbogin na kami sa paper works.

Normally, never mo makikita si Sunghoon na mag-cram ng assignment. Akala ko ay nalimutan niya lang gawin pero hindi niya raw talaga nagawa dahil magdamag siyang nag-alaga kay Sungjae kagabi. Nagkalagnat raw kasi ito at ayaw sumama kahit kanino, kahit sa yaya niya. He was looking for their Mom and Ate Sungjin, but they're not home.

"Pinapabigay sayo nung isang senior natin, hindi ko kilala eh. Hindi ko rin natanong name." Nung napansin kong tapos na siya sa ginagawa niya, tsaka ko sa kanya inabot yung envelop.

"Ah, si Ciara" Sambit niya. "Should I really give it a try?" Tanong niya naman. Kinuha niya yung mga papel sa loob.

"Definitely!" Bulalas ko nang mabasa ang nakasulat sa form.

Even our seniors are encouraging him na mag-file ng candidacy for Supreme Student Government. Matagal na namin siyang sinasabihan na may potential siya. He was saying that it's too early dahil freshmen palang kami, but I don't think the year level would matter.

"Try mo. Everyone's seeing your potential." Komento ko. He's staring at the papers. They gave him three types of forms. They are encouraging him to file within the top three positions.

"Go for President." Mabilis siyang napalingon with a 'seryoso ka ba?' face.

"I can't. It's too much." Umiling-iling siya. "Secretary?" Suhestiyon niya. Hindi niya parin inaalis yung tingin niya sa papers.

Kung nandito lang sana si Ate Bea, may katulong ako mamilit sa kanya to go for Presidency. Busy siya these past few days dahil masyado kina-career ang pagiging student assistant. Ako lang talaga ata walang silbi sa aming tatlo.

"I'll go for secretary position. I don't think an incoming sophomore would fit for the President" Pagpapaliwanag niya.

"Vice President? Last call." Tumawa siya nang mahina. "You can do it. I believe in you." Dugtong ko pa. He stared at me seriously.

Bigla akong nailang at umiwas kasi ang seryoso ng ekspresyon niya. I never look away, even once, from Sunghoon. I don't want to bring something up, but I felt like something within me has changed after that night on Batanes.

Sunghoon is my closest friend, aside from Ate Bea, Kuya Hee and Jongseong. We have known each other for barely a year but it felt like it's been ages. I am very comfortable with him. He's very reliable, trustworthy and so caring. We are so lucky to have him. I am thankful that we became good friends but I don't think it will be good to be more than that.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon