24.

66 9 16
                                    

Jay's

"Kailangan ba talaga yan?" Tanong ko kay Mia habang nilalayo yung mukha ko.

"Kailangan yan, Jj. Para rakenrol!" Sabat ni Jake na nakaupo pa sa ibabaw ng lamesa.

"Konti lang, arte naman nito." Sambit ni Mia. Wala na akong nagawa kundi magpalagay nung kung anong itim na tinta sa mata ko.

"Naiiyak ako." Saad ko pagkamulat. Gago ang sakit sa mata.

"Hoy pigilan mo. Kakalat!" Saway ni Mia at hinawi pa yung kamay ko.

"Hey Mia Nerdy, what are you doing to Jay?" Bakit nandito na naman to? Tinaguan ko na to kanina ah?

Hindi na lang sumagot si Mia. Tama yan. Kulang lang sa pansin yan si Stacey.

"I'm hurt. I can do better than her. Bakit hindi mo sinabi sakin na you need to put eyeliner." Salamat na lang, Stacey.

"What the hell, Jake!" singhal nito nang pumunta sa harapan ko si Jake para tignan yung mukha ko at maharangan siya.

"Yes, Jj rocker boy!" Binato ko siya ng crepe paper na nasa tabi ko. Walanghiya, puro pang-aasar lang ambag.

Ayoko naman talaga pumayag dahil biglaan si Kuya Heeseung kagabi. Matagal na rin nung last ako tumugtog. Nakaimbak na nga lang yung bass guitar na ginagamit ko dati. Medyo naluma na rin ng todo kaya sumaglit muna kami ni Kuya Hee para bumili ng bass guitar bago nagpractice sa studio nung ka-bandmate niya. Halos buong araw lang kami nagpractice kaya kinakabahan ako ngayong gabi.

"So, see you later at eight? You know the drill, Jay." Saad ni Stacey at mas lumapit pa sakin. Asa ka.

"Tutugtog ako." Tanga.

"We'll then. After na lang? Kahit anong oras tonight. Pwede ako." Sagot niya. Ako hindi pwede.

"Uuwi na ako agad. Bawal ka sumama." Pamimilosopo ko.

Iniwan ko siya dun at padabog na rin naman siyang umalis. Nagsawa rin. Akala ko magiging Stacey-less na yung buhay ko nang mag-college dahil magkaiba kami ng department pero bigla-bigla parin siyang sumusulpot.

"Hoy Jaeyun, abot mo nga yung bag ko para magkasilbi ka." Utos ko kay Jake na kanina pa nanggugulo sa mga kaklase namin na nag-aayos ng mga LED lights na ilalagay sa stage. Bakit feeling ko department namin pinaka-abala. Lugi ata kami ah.

Naramdaman ko naman na may bumato nung bag ko sa akin. Amp. Bakit ba kasi nag-utos pa ako sa abnormal?

Tinignan ko yung oras. Alas singko pa lang kaya pumunta na muna ako sa music room ng SPC. Makapag-practice nga muna.

"Pogi natin, Jay ah." Pang-aasar ni Kuya Seth bago umupo sa tapat ng drum set. Tumawa lang ako at umiling-iling.

Pinractice namin yung unang tatlong kanga na tutugtugin namin kahit wala si Kuya Heeseung. Bumalik siya saglit sa condo niya na malapit lang naman dito. May naiwan lamg raw siya. Tumigil muna kami pagkatapos para magpahinga.

"Bakit hindi ka parin sumali sa school band ng SPC? Galing mo naman tumugtog ah?" Tanong ni Kuya Xander.

Wala talaga sa bokabularyo ko ang tumugtog ng regular. Trip trip ko lang rin pag-aralan.

"Ayoko Kuya. Tamad ako magpractice." Natawa na lang siya sa sagot ko.

Nagchat si Kuya Hee na pabalik na raw siya. Ala-sais na rin, isang oras bago magsimula yung main event.

"Saw your crush. They're here na." Text ni Jake. Nilagay ko muna yung bass sa stand at tsaka naglakad palabas ng music room.

"Why is she here?" Nagulat ako nang bumungad si Stacey sa harapan ko pagkalabas ko ng music room. Ilang beses to susulpot ngayong gabi? She never mentioned a name but I know who is she talking about. You can't touch her, Stacey. I'm here.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon