17.

90 25 29
                                    

Christine's

"The hell-" Muli akong napalingon kung saan nanggaling yung sigaw. Hindi ko alam kung nagluluto ba talaga siya o sigawan session lang with kawali. Kanina pa siya ganyan.

"Jj, hindi kasi bibig ang ginagamit sa pagluluto ng Carbonara." Sambit ni Tita habang inilalapag yung mga brownies na kaka-baked pa lang.

Nandito kami ngayon sa dining area. Pinapanood ko rin kasi si Tita Janine magbake. Si Tito James naman ay kanina pa nagpapacute kay Tita Janine para bigyan siya ng brownies.

"This is so hard!" Muling sambit ni Jay. Malaki ang kusina nila at may mistulang dibisyon kung saan siya nagluluto at kung saan kami naroroon nina Tita, kaya hindi rin namin alam kung ano nang nangyayari kay Jay at sa Carbonara na niluluto niya.

"Hey love birds, ang sakit niyo sa mata." Lumabas siya mula sa kinaroroonan niya at agad na lumapit kay Tita Janine na kasalukuyang niyayakap ni Tito James habang nilalagay yung panibagong tray ng mga brownies sa loob ng oven. Nakasuot pa siya ng apron na may bears na nakaprint. Nung una ay ayaw niya pa iyon suotin pero wala siyang choice dahil lahat ng apron ni Tita Janine ay mga ganoong print.

"My son is always grumpy. Kaya hindi ka nagkaka-gf." Natatawang sambit ni Tito James at ginulo yung buhok ni Jay.

"Hey, stop teasing Jj." Marahang hinampas ni Tita Janine si Tito sa balikat. Nagpout naman ito kaya kinurot ni Tita yung nguso niya. Jusko, lalanggamin ata kami dito sa sobrang ka-sweetan nila.

"Mukhang sumama ata lagay ng tiyan ko sa mga nakikita ko." Sambit ni Jungwon na katabi ko at halos mauubos na yung brownies na nakalagay sa isang tray. Hindi na ata aabot mamayang alas dose itong binebake ni Tita.

"Yang Jungwon, gusto mo bang bawiin ko yang brownies?" Pagbabanta naman ni Tita at mabilis na umiling si Jungwon at ngumiti ng pilit.

"Damn- just stop being so lovey dovey. Mom, do I need to put the milk first or what. Your recipe is very complicated." Pagtatantrums naman ni Jay. Five years old ba siya?

"Just put the milk and let it simmer, little boy." Sagot lang ni Tita. Jusko. Bakit ba kasi naisipan niya magluto ng Carbonara? Akala ko nagtatanong lang siya kanina.

"Can't believe my son's trying to cook just to impress a girl." Sambit muli ni Tita nang makaalis muli si Jay. Tita, sa tingin ko, nahipan lang ata ng masamang hangin yang anak niyo sa labas at kung ano-ano ang napagtritripang gawin.

Makalipas ang ilan pang minuto ay natapos na sa pagbebake si Tita Janine. Nagpaalam sila ni Tito na sa garden raw muna sila. They will also wait for Mom and Ni-ki there. Maga-alas tres pa lang and Mom also messaged us kanina na on the way na sila. Si Jungwon naman ay matutulog lang raw pero bago siya umalis ay pinikon niya muna siyempre si Jay. Ako naman, nag-stay lang sa kusina dahil hinihintay ko maluto yung Carbonara.

"It's never too late to change your favorite food." Nilapag ni Jay ang isang plato ng Carbonara sa lamesa. Halatang na-stressed rin siya. Sino ba kasi may sabi sa kanya na magluto ng Carbonara? Although, nagc-crave rin naman talaga ako dito ngayon.

"Akala ko tatawag na kami ng bumbero eh." Malokong sabi ko. Tinignan niya naman ako nang masama.

"Ayaw mo ba? Akin na nga!" Akmang kukunin na niya ulit yung plato pero agad ko namang hinawi yung kamay niya. Binigay na niya, tapos babawiin niya pa? Touch move na aba. At isa pa, wala naman akong sinabing ayoko ah?

Tinignan niya ako na parang inip-inip na. Narealized niya rin bigla na suot niya pa yung apron kaya agad niya itong hinubad at pabagsak na nilagay sa isa sa mga upuan.

"Hindi ko yan niluto para titigan mo lang." Sabi niya ulit. Bakit ba ang ingay niya? Kakainin ko naman eh.

"Eto na jusko nagmamadali? May lakad ka ba?" Sagot ko at dinampot na yung tinidor. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sobrang seryoso niyang nakatingin sakin.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon