Jay's
"Napaihi po ba sa sobrang takot si Kuya Jay?" Narinig ko agad ang pangalan ko nang bumaba ako. Ang aga-aga boses ni Jungwon agad ang umaalingawngaw sa buong sala.
"HOY BUBWIT SINONG NAPAIHI HA?" Nadatnan ko siya na nakaupo sa lapag habang sina Lola Agnes at Lolo Delfin ay nakaupo sa sofa at mistulang aliw na aliw na nakikipagkuwentuhan kay Jungwon. Si Kuya Heeseung naman at Bea ay nasa kusina, mukhang naghahanda ng almusal.
"Hinabol ka raw dati ng bibe dito Kuya Jay. HAHAHAHAHAHAHAHAHA-" Natigil siya sa pagtawa nang mabilaukan siya sa kinakain niyang suman. Agad namang iniabot sa kanya ni Lola Agnes yung tubig na nasa lamesa lang rin. Digital na talaga ang karma ngayon.
"Nanang. Tatang. Halika na po at mag-agahan na tayo. Yang Jungwon, ikaw rin." Pagtawag ni Kuya Heeseung.
"Sige lang Hijo, kami ay maglalakad-lakad muna ni Delfin sa bakuran bago pa tuluyang sumikat ang araw. Mainam ang ehersisyo lalo na sa edad namin." Sagot ni Lola Agnes.
"At hindi dapat kayo ang naghahanda niyan. Mga bisita kayo dito" Naiiling ngunit nakangiting sambit ni Lolo Delfin.
"Ayos lang po iyon. Maliit na bagay lang naman po ito." Sagot niya. Bumaling naman siya sa akin habang aktong uupo na ako.
"Pakigising naman yung babaeng mantika matulog sa taas. Pakidamay na rin si Sunghoon sa kabilang kwarto." Saad niya. Aba, ginawa pa akong taga-gising.
"Bakit ako? Yan oh si Jungwon na lang." Pagtanggi ko.
"Ayoko nga kumakain na ako eh." Sagot naman ni Jungwon. Bakit ba siya nauuna kumain, walang hiya ampota.
"Dali na Jay, lalamig na tong mga pagkain kapag mamaya pa sila nag-almusal. At maaga rin tayo aalis." Wala na akong nagawa nang magsalita si Kuya Heeseung. Nakakatamad umakyat ulit bwiset.
Nasalubong ko naman si Sunghoon na akmang bababa pa lang. Mabuti naman dahil wala rin talaga akong balak gisingin siya. Ano to sinuswerte?
Nilampasan ko naman siya at nagdire-diretso na lang sa tapat ng kwarto nina Christine. Akala ko ay bababa na siya pero tinignan niya ako nang nagtataka at sumunod sa akin.
"Anong gagawin mo?" Tanong niya nang makarating rin sa harap ng pinto.
"Magtumtumbling. Malamang kakatok." Sarkastikong sagot ko. Hindi ko gusto ang pagkunot ng noo niya. Yung totoo, may lahi ba siyang barangay tanod at parang lagi siyang nakabantay?
"I'll just call her to wake her up." Sambit niya at kinuha sa bulsa niya yung phone niya. Hindi ko siya pinansin at nagsimula nang kumatok. Bakit ba nikiki-epal to? Siya ba inutusan para gisingin si Christine?
"Gising na ako. Wait lang lalabas na." Rinig kong sabi ni Christine mula sa loob. Hindi ako tumigil sa pagkatok para asarin siya. Si Sunghoon naman ay hindi parin umaalis. Ano bang hinihintay niya?
"PUNYETA JONGSEONG TUMIGIL KA NA KAKAKATOK ALAM KONG IKAW YAN" Bulyaw ni Christine. Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil naimagine ko bigla yung mukha niyang asar na asar.
"May hinihintay ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at diretso lang rin akong tinignan.
"Baka matunaw kayo diyan sa pagtititigan niyo." Sambit ni Christine pagkabukas niya ng pinto. "Ano bang ginagawa niyo jan. Nakaharang pa kayo sa daan" Dagdag niya at bahagyang itinulak kami para makadaan siya sa gitna. Tignan mo to, walang utang na loob. Umakyat pa ako para gisingin siya tapos hindi man lang mang-antay.
"Wow ha. Hiyang hiya naman ako sayo. Pinaakyat pa nila ako para gisingin ka." Sumunod na rin ako sa kanya na bumaba. Si Sunghoon rin ay ganun rin ang ginawa. Akala ko dun na siya titira sa harap ng pinto eh.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)