Christine's
Nakarating kami sa wedding booth na may katatapos lang ikasal. Kinuha agad nila yung belo dun sa babae at agad na isinuot sa akin. Saglit naman itong itinaas ni Sunghoon at kinuha ang panyo niyang puti mula sa kanyang bulsa.
"Nakakatakot naman magpakasal sa white lady." Saad niya habang tumatawa at pinunasan nang marahan ang mukha ko na may makapal na foundation gamit ang isa niyang kamay na walang posas. Narinig ko naman ang pang-aasar ng mga tao sa paligid. Naaninag ko rin sina Jay at yung kaibigan niya sa may bukana ng wedding booth. Bakit ba hindi pa sila bumabalik sa school nila?
Tinignan ako ng mokong na parang nangju-judge. Inirapan ko lang siya at kinuha mula sa kamay ni Sunghoon yung panyo at pinunasan ang mga natitira pang make up. Kaliwang kamay pa ang gamit ko dahil nakaposas rin ang kanan. Ibubulsa ko sana muna yung panyo niya pero hinigit niya ito sa kamay ko bago ngumiti at ibinalik sa bulsa niya yung panyo. Lalabhan ko pa yun eh!
"Ehem."Tikhim ni Bryan at nagpigil ako nang tawa nang makita siyang nakasuot na pam-pari. Sikat to sa Engineering department bilang sakit sa mga ulo ng profs.
Medyo dumami rin bigla ang mga tao. Ano bang meron at parang mas marami ang taong naki-usyoso ngayon kesa sa mga kinasal kanina?
"Ang kapal naman ni ate oh bakit kay Sunghoon?" rinig kong asik ng isang babae na hindi ko kilala pero base sa id niya ay mula sa Psychology department. Nakita ko naman ang pagtingin sa kanya ni Jay nang hindi makapaniwala at bahagya pang umusod palayo ang loko. Tumingin siya sakin at tinaasan niya ako ng kilay. Ano bang problema nito?
"Atin na pong sisimulan ang seremonya ng
kasal. Naririto kayo ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahalan. Tinitiyak ko sa inyo na kayo'y ipagdarasal ng balana upang basbasang masagana ng Diyos ang inyong pagmamahalan at tulungan kayong
magkatupad sa mga pananagutan ng may-asawa." Seryosong tugon ni Bryan. Narinig ko naman ang hagikhikan ng mga tao. Jusme lupa, kainin mo na lang ako. Mamamatay na ako sa hiya. Si Sunghoon ay seryoso lang na nakatingin sa pari este kay Bryan."Maaari lamang na sagutin ninyo ang aking mga katanungan ng may buong katapatan. Christine, ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?" Baling sakin ni Bryan at halatang nagpipigil nang tawa nang makita niya ang gulat na gulat kong mukha.
"Mukha ba kaming nandito na may kusang loob
" Sagot at itinaas ng bahagya ang kamay namin na may posas. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid pati rin si Sunghoon na ginulo nang marahan yung buhok ko gamit yung isa niyang kamay."Basta oo na yun." Sagot niya at kumamot na lang sa ulo at bumaling naman kay Sunghoon.
"Sunghoon, ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?" Tanong niya. Sabing wala nga kaming kusang loob eh.
"Opo, padre." Sagot naman ni Sunghoon. Agad ko siyang tingnan at tinaas-baba niya lang ang kilay niya nang lumingon siya sakin. Sunghoon is a bit goofier today, I see.
"Nais niyo rin lamang na sumailalim sa sagradong sakramento ng kasal, pagdaupin ninyo ang inyong mga kamay at sabihin ang inyong mga intensiyon sa harap ng Diyos." Hindi ko alam kung paano nasaulo ni Bryan ang mga linyahan ni Father pag-nakakasal. Bahagya na lang akong napatawa.
"Ang saya mo naman masyado." Rinig kong komento ni Jongseong na katabi na pala ni Ate Bea na nakapuwesto malapit sa amin. Tinignan ko naman siya nang masama. Siniko siya ng marahan ni Ate Bea. Napakaepal talaga ng lalaking to.
Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Sunghoon na hinawakan ang kamay ko na nakaposas gamit yung kamay niyang nakaposan rin.
"Lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas simbahan?"
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfictie"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)