Jay's
"Hi." Pagbati ko nang makalabas siya sa gate nila. Kinusot niya ang mata niya at nakasimangot akong tinignan.
"Hindi ba uso sayo rest day? Linggong-ligo, Park Jongseong." Pinigilan ko ang tawa ko dahil hindi niya ata napansin na gulo-gulo pa yung buhok niya. Kakabangon lang ba nito mula sa higaan?
"Walang day off sa panliligaw ko, sorry." Sagot ko lang. Iniabot ko sa kanya yung Doraemon na stuff toy. Umismid muna siya bago ito tanggapin.
"Salamat. Sige pwede ka na umuwi." Seryoso ba siya?
Akmang isasara na niya sana yung gate nang makapasok siya pero biglang lumabas sa pinto si Tita Camille.
"Bakit hindi mo pa pinapapasok si Jay?" Tanong nito.
"Umuwi na lang raw po a-"
"Eto na po, papapasukin na." Mabilis na binuksan niya muli yung pinto.
"Sure ka?" Nakangising tanong ko pero pinandilatan niya lang ako ng mata.
"Bilisan mo na, pasok na." Mariing bulong niya.
"Good morning po Tita Camille. May lakad po kayo?" Napansin ko kasing parang paalis siya.
"Yes, nagyayaya si Ni-ki sa mall." Sagot niya habang nasa harapan ng salamin. Tumango ako at ngumiti. Bumaba rin si Ni-ki sa hagdan na nakabihis rin.
"Sasama na lang pala ako Ma." Alangang sambit ni Christine pero napagalitan lang siya.
"Sabi mo hindi ka sasama. Anong oras na, kanina ka pa ginigising. Atsaka, may bisita ka." Nakangiting tumingin sa akin si Tita. Kinagat ko yung labi ko para pigilang matawa dahil nakabusangot na siya.
"Kainis." Bulong nito.
"Sige, aalis na kami." Dinampot ni Tita yung bag niya. "Jay, nag-agahan ka na ba? Kumain ka na muna." Bumaling naman siya sa katabi ko. "Ikaw rin, sabay na kayo kumain. Initin mo na lang yung niluto ko kanina." Mangangatwiran pa sana siya pero tuluyan nang lumabas si Tita at Ni-ki.
"At baka before dinner na kami umuwi." Pahabol ni Tita na muling sumilip sa pinto.
"Ingat po kayo." Sambit ko at naglakad papunta sa pintuan.
"Sige Jay. Kayo na muna ang bahala jan sa bahay." Sumakay na sila sa kotse.
"Narinig mo yon?" Tanong ko sa kanya na nakatayo na rin pala sa likuran ko.
"Anong trip mo?" Pinagkrus niya yung mga braso niya sa dibdib niya.
"Hindi to trip. Seryoso akong nanliligaw dito." Sagot ko at umupo ulit sa sofa.
Hindi na siya sumagot at umirap na lang bago naglakad papunta sa kusina nila. Agad namang tumayo ako sa pagkakaupo at sinundan siya.
"Alam mo bang pupunta ako kaya hindi ka sumama kina Tita Camille?" Nangalumbaba ako pagkaupo ko sa isa sa mga upuan sa dining table.
Mabilis siyang lumingon sakin, hawak pa niya yung isang kawali. Medyo natakot ako kasi baka kung anong gawin niya kapag napikon siya.
"Kapal mo naman! FYI, kaya hindi ako sumama dahil balak kong magpahinga ngayon kaso linggong-linggo may epal na dumating." Dire-diretsong sabi niya.
Bakit ba ang init ng ulo niya?
"Harsh mo naman." Sagot ko. Tumigil naman siya at tinignan ako nang ilang segundo. Hindi ko alam kung may sasabihin pa ba siya o ano pero medyo naiilang na ako dahil nakatitig siya.
"Ewan ko sayo, Jay. Magtimpla ka na lang ng kape." Sambit niya na lang at tinuloy na yung ginagawa niyang pag-iinit sa pagkain.
Sabi ko nga effective yung paawa ko.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)