Jay's
"May crush ka ba kay Christine?" Agad ko siyang nilingon.
"Eh ikaw, may crush ka ba kay Kuya Heeseung?" Sumimangot siya at binuksan yung Mogu-Mogu na pinalibre niya sakin.
"Iniiba mo naman usapan eh." Sambit niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa kong pagtingin sa mga pictures sa DSLR ko.
"HAHAHAHAHAHAHA tignan mo ang epic ng mukha." Natatawang pinakita ko sa kanya yung picture na kinuha ko kanina.
"Jongseong, ang sabi, idocument mo yung event para makagawa tayo ng class portfolio ng foundation day. Puro stolen pictures lang ni Chris-"
"Panakot kasi to sa mga daga." Pagdepensa ko. Patuloy kong binrowse pa yung mga pictures at medyo napansin ko ngang wala parin ako masyadong nadodocument para sa event.
"Umamin ka na kasi. Ang torpe mo naman. Halata namang-"
"Gusto mo bang bawiin ko yang Mogu-Mogu?" Pagbabanta ko. Agad naman niya itong nilayo at umiling.
"Hoy! Nandito lang pala kayo?" Biglang sulpot ni Christine. Pawis na pawis pa siya habang hawak yung malaking buko na may straw? So ayun yung sinasabi niyang sasadyain niya sa labas? Pumuslit pa siya sa guard para lang sa buko?
"Saan ka ba galing? Namundok ka pa ba? Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Bea.
"Ang init kaya, atsaka grabe yung kaba ko akala ko mahuhuli ako ni Kuyang guard na lumabas." Sagot niya at umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa dine-in table ng canteen.
"Para lang sa buko." Umiiling-iling na sagot ni Bea.
"Gusto niyo?" Pag-aalok niya. "Bumili kayo." Dagdag niya agad at tumawa na parang tanga.
"Malala na epekto ng buko dito." Bulong ni Bea.
"Ano ba, Jongseong! Itsura ko diyan!" Maganda.
"Mukha kang ewan." Natatawang sambit ko at ipinakita sa kanya yung stolen picture habang sumispsip siya sa buko.
"Burahin mo yung mga pictures ko!" Asik niya. "Kanina ka pa!" Tinignan niya ako nang masama.
"Ayoko nga!" Ang cu-cute kaya. "Pwede tong panakot sa mga daga. Maraming daga sa bahay namin." Sagot ko.
"First of all, walang daga sa mansion niyo. Pangalawa, ang kapal naman ng mukha mo. Bakit? Gwapo ka ba?" Singhal niya.
"Heeseung." Saad ni Bea at binati kami ni Kuya Heeseung nang ngiti. Nagpaalam siya sa mga kabanda niya at tsaka umupo sa inuupuan namin.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Kuya Hee.
"Yes kani-"
"Hindi pa, Kuya." / "Hindi pa." Sabay na sagot nung dalawa. Kakakain lang namin ah.
"Anong gusto niyo? Libre ko." Sagot ni Kuya Hee.
Napakamot na lang ako sa ulo. Bored ko silang pinapanood habang kumakain. Yung dalawa, akala mo hindi kumain ng dalawang order ng Carbonara kanina.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)