Jay's
"Isa pa, Yang Jungwon. Sisipain ko na yang pwet mo pabalik sa America." Hindi naman siya nagpatinag at muling hinipan yung torotot at mas lalo pa itong inilapit sa tenga ko.
Bakit ba kasi to pinayagan ni Tito na dito pa to mag-New Year. Ayaw ba nila kasama to? Kahit naman ako, susuko na rin minsan sa kasutilan ng batang to.
"Bakit kasi ayaw mo na lumabas dito sa kwarto mo, Kuya Jay? Ang kj mo naman." Saad niya. Tinakpan ko na agad ang tenga ko nang akmang hihipan niya na naman yung torotot. Punyeta. Sino ba nagbigay ng torotot dito?
"Kung gusto mo lumabas, ayan yung pinto. Walang pumipigil sayo." Sagot ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kwarto ko.
Akala ko ay lalabas na siya pero bigla naman siyang humiga sa kama ko. Aba, ang walanghiya.
"Ayaw mo lumabas kasi..." Sambit niya at nakatingin pa siya sa kisame nang madatnan siya sa loob. "Letter A, para hindi ka kulitin ni Chloe" Tuloy niya sa sinasabi niya. Isa pa yun si Chloe, ano bang trip non at dito rin naisipan mag-celebrate ng New Year. Alam ko ay nagbakasyon nga sila dito si Pinas ng ilang buwan para makapagcelebrate kasama yung relatives nila, tapos nandito siya ngayon? Magsama sila ni Jungwon, pareho magulo yung utak.
"or letter B, nahihiya kang magpakita kay Ate Christine matapos yung ginawa mo kanina. HAHAHAHAHAHA" Dagdag niya at nakakalokong ngumiti. Jungwon, malilintikan ka talaga sakin.
"Mukhang alam ko na ang sagot ah." Bigla naman siyang tumayo at lumabas. The hell? Sumagot ba ako? Wala naman akong sinasabi ah?
"Yang Jungwon, anong sagot? Hoy Yang Jungwon! Bumalik ka nga dito!" Lumabas na rin ako at sinundan siya. Tumakbo naman siya pababa ng hagdan. Shit. Coast clear naman.
"Jj, Tita Janine said na if I'm bored na raw, hanapin kita." Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Chloe asa gilid ko. Kabute ba to? Bakit bigla-bigla na lang siya lumilitaw?
"Bakit ako? Ayun oh, si Jungwon. Sundan mo." Sagot ko naman. Sumimangot naman siya. Bumaba na lang rin ako para mabatuka n si Jungwon. Sumunod rin naman si Chloe sakin.
After three years, ngayon lang ulit umuwi dito sa Pinas si Jungwon. Si Chloe naman ay first time lang dito. Kadalasan rin kasi ay kami nina Mom and Dad ang pumupunta sa America during these seasons. Chloe's family is very close to ours. Dad, his brother, which is Jungwon's Dad and Chloe's father is well-known as the business world's bermuda triangle. They have individual companies and one that is in partnership with each other. I do not know more stuffs about it since I'm not really interested to business. That's a complicated world for me.
"Chloe, sabihin mo, nakakapagpabagabag." Nakahilata si Jungwon sa sofa habang si Ni-ki naman ay nasa kabilang upuan at naglalaro sa cellphone. Nakita ko kang lumingon siya kay Jungwon na para bang naiirita sa kaingayan nito.
"What? Why would I say that?" Singhal naman ni Chloe.
"Akala ko ba magaling ka na mag-tagalog? Bilis na. Para ma-in love sayo sa Kuya Jay." Sagot ni Jungwon. Bakit na naman ako nadamay?
"Are you serious?" Muling bulyaw ni Chloe kay Jungwon at tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako.
"Nakakapagpabagbagbag- nakakapagpabapagpag- nakaka- the fuck Yang Jungwon! It's hard!" Hindi ko napigilan mapahagalpak ng tawa. Bigla naman siyang namula at binato niya kay Jungwon yung unan na nasa sofa malapit sa kanya.
"I hate it here!" Sambit niya bago padabog na muling umakyat sa taas. Nasalubong pa niya si Christine na kakababa lang ata.
"Hi, Ate Christine. Hindi ka na ba nilalamig? Sabihin mo lang raw- aray! Bakit ba lagi niyo ako binabato?" Dahil masyado nang maraming sinasabi si Jungwon ay hinagis ko sa ganyan yung isa pang unan.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)