Christine's
"Wait lang, gulo nang konti yung bangs mo Ate Bea"Pinigilan ko siyang lumabas sa cr at bumalik naman siya para humarap sa salamin. Inayos ko naman nang marahan ang side bangs niya.
"Ayan okay na." Sambit ko habang nakangiting nakaharap sa kanya. "Ang ganda mo hehe." Dagdag ko pa. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Manghihingi ka ba ng piso?" Pabirong sambit niya. Umiling naman agad ako. Totoo naman yun eh.
"Totoo naman ang sinabi ko eh." Sagot ko na nagkunwari pang nagtatampo. "Oo na oo na." Sambit niya at hinila na ako palabas. Mukhang may excited ah.
"Magsisisi na ba si Heeseung na binasted niya ako dati? " Saad niya at nag-flip hair. Tumawa rin siya at pumalakpak pa. Nagulat naman ako dahil ito ang unang beses na binanggit niya si Kuya Heeseung simula nung dumating ito. Akala ko rin ay napilitan lang itong pumayag na sumama nang sabihin ko na nagyayayang lumabas si Kuya Hee ngayon. Gusto niya raw kami i-treat ng dinner at may sasabihin din raw siya sa amin.
"Oo naman. Baka mangumpisal pa yon sa sobrang pagsisisi niya." Sagot ko at tumawa rin. Medyo masaya na rin ako na nagiging komportable na siya na pag-usapan si Kuya Heeseung. Ayoko na rin masyado mag-usisa dahil wala rin naman ako sa lugar para makialam sa kung ano man ang lagay nila ngayon. Labas na kami roon.
"Uy akala ko nauna ka na umalis." Naabutan namin si Sunghoon na naghihintay sa may hallway. Sinabi namin na mauna na siya dahil magc-cr rin kami para magbihis. Hindi ko naman alam na naghintay parin pala siya.
"Same lang naman tayo ng way." Sambit niya at nagkibit balikat. Buti na lang at hindi rin kami gaanong nagtagal sa cr. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko.
"May itatagal pa ba kayo? Diba kanina pa dapat kayo uwian." Napairap na lang ako nang mabasa ang chat ni Jay. Ang kapal talaga ng apog nito. Siya nga ang madalas hindi tumupad sa oras jan.
"Tara na, nandun na ata sila sa gate." Saad ko at naglakad na kami palabas ng school.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti nang makita si Kuya Hee na nakatayo sa labas ng gate katabi ni Jay. Tinignan ko naman si Ate Bea, parang hindi siya mapakali at gustong umatras. Hinawakan ko yung kamay niya para kumalma siya.
"Sino sumapak sa inyo?" Bungad ni Jongseong na nagpipigil ng tawa. Tinignan ko naman siya nang masama. Siraulo ba to o ano?
"Jongseong, bawal ba kami mag-lipstick ha?" Sambit ni Ate Bea.
"Jay, kakarating lang nila, inaasar mo agad sila." Tumatawang sabi ni Kuya Heeseung. Panira talaga kahit kailan yang si Jongseong. Ang ganda ganda ng mood namin, ang galing mambasag ng trip.
"May kasama pala kayo." Baling ni Kuya Hee kay Sunghoon. Napahawak naman sa batok si Sunghoon. Oo nga pala, kasama nga pala namin to. Nawala sa loob ko, ang galing kasi mambwiset ng isang dito na itago na akang natin sa pangalang Jay.
"Ay oo nga. Kuya Heeseung, si Sunghoon nga pala. Sunghoon, si Kuya Heeseung." Nilahad naman ni Kuya Heeseung yung kamay niya at agad naman iyong tinanggap ni Sunghoon para makipagkamay.
"Nice to meet you." Sambit ni Sunghoon.
"Likewise." Sagot naman ni Kuya Heeseung at ngumiti rito.
"Hanggang kailan natin balak tumambay dito." Sabat ni Jay at mistulang bored na bored na nakatingin sa amin.
"Nagmamadali ka? Mauna ka na." Sagot ko sa kanya at umirap. Akala mo siya nag-imbita eh.
"Bakit hindi ka sumama sa amin, Sunghoon?" Pag-aalok ni Kuya Heeseung sa kanya.
"Baka hindi ako makasama. Kailangan ko rin kasing umuwi para sa family dinner." Nahihiyang sambit niya. "Thanks for the offer." Dagdag pa niya. Ngumiti naman si Kuya Hee at tumango.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)