Christine's
"Sorry hindi kita nasundo." Sambit niya pagkalabas ng gate nila.
"Okay lang ano ka ba? Biglaan rin naman ang paalam ni Ate Bea na hindi siya makakasama. Nilalagnat raw kasi si Sunoo at kailangan niya alagaan." Sagot ko naman at pumasok na.
"Mom went with Dad on Lucena for a business-related visit. They can't bring Sungjae with them so yeah, Kuya duties." Saad niya habang papasok kami sa pinto ng bahay nila. May nadaanan rin kaming mga kasambahay kaya bumati rin ako bago tuluyang pumasok.
"Where's your brother?" Tanong ko naman. Nakapasok na kami sa loob at halos malula ako nang bumungad ang grand staircase nila at malaking high-ceiling living room.
Makikita rin sa bungad ang halos dalawang pinagpatong na taong laki na family portrait nila. Tatlo lang silang magkakapatid. Si Ate Sungjin, si Sunghoon at ang bunso ay si Sungjae. Ang isa sa napansin ko ay ang nakakaintimidate na ngiti ni Ate Sungjin sa portrait. Abogado. Halata sa awra niya. Hindi ko mapigilan ang humanga nang lubusan.
"Sungjae's still sleeping. Around ten o'clock siya kadalasang nagigising. I just need to be around pag nagising siya since hahanapin niya agad sina Mom for sure" Saad ni Sunghoon. Umupo na rin muna ako sa living room dahil umalis siya saglit.
Naglapag naman ng juice yung isa sa mga kasambahay nila na si Manang Dolor. Mga ilang minuto rin kami nag-kwentuhan at nalaman ko na halos magtatatlong dekada na pala siyang nagtatrabaho sa pamilya nina Sunghoon. Baby pa lamang si Ate Sungjin nang una siyang mangamuhan sa kanila.
"Manang, pakihatid na lang po si Sungjae sa libary kapag nagising na siya." Bilin naman ni Sunghoon kay Manang Dolor. Umakyat kami sa sinasabi ni Sunghoon na library. Parang museum yung bahay nila. Bukod sa napakaraming mga paintings, ang dami ring mga kwarto. Naalala ko tuloy yung bahay nina Jay. Isa pa yun na nakakalula sa laki. Ang kaibahan lang ay puno naman iyon ng mga mamahaling pigurin. Kapag kasi nago-out of the country sina Tita Janine ay lagi siyang bumibili ng mga antique figurines. Yung iba doon ay sigurado akong mas mahal pa sa buhay ko.
"I already made an outline reviewer last night. I also printed them out para mas convenient aralin. Di ko lang sinama yung Accounting since it's more problem-based than theoretical. I made three copies for us." Nilapag ni Sunghoon ang tatlong folder sa lamesa.
"Naks naman. Iba talaga ang Park Sunghoon." Sambit ko at tinignan ang reviewer. Sobrang ganda ng pagkakaoutline niya. Na-emphasize lang talaga yung mga important details na dapat tandaan.
"Kagabi mo lang to ginawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. No wonder, maraming prof ang tumatawag sa kanya ng 'genius'. He really is.
"Yup. Before I sleep. I learned the outlining method from Ate. That's her reviewing style nung nag-aaral pa siya." Sagot niya naman. They are a family of gifted people and geniuses. Their Dad is a lawyer as well in U.K. then their Mom is an Engineer. And they also run a family business. Akala ko walang ginawang perfect si Lord pero ano sila?
"I think what we need to focus on is the Accounting subject." Seryosong sabi niya habang binubuklat yung binder notes niya. Nilabas ko naman ang calculator ko at yung yellow pad. Jusme, bakit wala akong notes?
"Wala akong notes hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Paano siya nakapag-take down ng notes eh sobrang bilis magturo ng Prof namin sa Accounting?
Tumatawa naman siyang nilagay sa gitna namin yung binder niya para magshare kami. Bakit ang ganda parin ng sulat niya kahit parang laging hinahabol ng sampung kabayo yung Prof namin magturo? Ang unfair naman bakit may mga taong nasobrahan sa pagiging gifted? Hindi man lang ako naambunan kahit konti.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)
![𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈](https://img.wattpad.com/cover/269540145-64-k42465.jpg)