Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 1
5 years later.....
Somewhere in Zamboanga, Philippines.
-Mattoe's POV
"Boss! Tayo na diyan, aalis na tayo!" Sigaw ko kay Lieutenant Geo.
It's been five years.....
limang taon na lumipas ay parang kahapon lang nangyare ang lahat. Tandang-tanda ko pa ang mga naganap sa nakaraang limang taon.
Pagkatapos ng kaganapan sa gubat ng Kho Bon, Anim na buwan kaming nanatili sa Thailand noon. Palaboy-laboy sa siyodad dahil hindi kami maka tawid sa boarder line. May mga panahon na basura na ang aming kinakain, kung minsan mga tira-tira sa mga restaurant. Kahit andaming mga pilipino doon, hindi talaga kami nag hingi ng tulong dahil baka ma hanap kami ng mga kalaban.
Naka hanap kami ng masasakyan from thailand going to malaysia pagkalipas ng pitong buwan. At sa pagkakaalam ko, ang pinakamalapit na isla doon ay sa Zamboanga. Hirap na hirap na ako noon, ang payat na namin ni Geo. Hindi ko rin alam kung tatagal pa ako pero ang sabi niya lang sa'kin ay "kumapit ka hangga't maka tawid tayo ng pinas."
Ang pangit pa n'on dahil walang magdadala sa'min sa kabilang isla, kaya ang ginawa namin ni Lieutenant Geo ay nilangoy namin ang karagatan ng Malaysia patawid sa pinakamalapit na isla ng Zamboanga.
Sounds crazy diba? Mas matindi ang trainings namin sa army kaya kahit paano ay sanay ang katawan namin sa puyatan at pagod. Pero oo! Nilangoy namin 'yon hanggang sa marating namin ang baryo ng Hamtik. Isang liblib na bayan doon at wala gaanong tao.
May mangingisda ang kumupkop sa amin. Pinatira niya muna kami sa kaniyang bahay kasama ang kaniyang bulag na anak na babae. Maba-it sila, ni hindi manlang siya nag tanong kung paano kami napunta doon at kung ano ang aming mga nakaraan. Ang sabi niya lang ay alam niyang kailangan namin ng tulong kaya hindi na siya nag dalawang isip.
Lumipas ang ilang buwan at doon na talaga kami pinatira ni mang Filipe. Sabi niya, hahanapan niya kami ng trabaho kaya pumayag si Lieutenant Geo. Doon na namin nalaman na si mang Filipe pala ay taga tawid ng mga illegal na produkto mula malaysia papuntang pinas. Mayroon siyang motor boat na di naman gaanong kalakihan at 'yon ang kaniyang ginagamit. Ang sabi niya, kahit alam niyang mali at delikado itong ginagawa niya ay wala siyang magagawa. Mahirap ang buhay dito sa Zamboanga at bulag pa ang kaniyang anak.
Pumayag si Geo na samahan siya sa kaniyang illegal na trabaho. Sabi niya, hindi rin kami tatagal dito at kung maka ipon na ay lilipat kami sa home town niya sa Siargao.
Pero...
Pagkalipas ng isang taon, namatay si mang Filipe. Hindi namin alam na may tinatagong karamdaman na pala siya noon. Biglang gumuho nanaman ang plano ni Geo dahil na aawa siya sa anak ni mang Filipe. Wala naman siyang ibang kamag-anak kaya hindi namin pwedeng iwanan namin si Anabel dito na mag-isa.
Dahil d'on ay ako na mismo ang nag sabi kay lieutenant na mag extend kami ng ilang buwan pa at pag isipan mabuti kung ano ang gagawin.
Ang extention na 'yun ay umabot na ng pangatlong taon namin, hanggang sa inabot na kami ng limang taon dito.
Siguro dahil marami na kaming kakilala, alam na namin ang patakaran at galamay na namin ni Geo ang buhay dito, kaya ni isa samin ay hindi na ni-remind ang pag alis sa lugar na'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/269182204-288-k870422.jpg)
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AksiPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...