Chapter 6

176 18 21
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo


Chapter 6





-Geo's POV

"D--Dahan-dahan! Hoy!" Bulaslas ni Rico sabay paling sa akin.

Wala akong ibang iniisip ngayon kundi si Briana!

"Kukunin ko si Briana! Makakauwi si Briana! Ililigtas ko siya!" Itong ang lumalabas sa bibig ko at Ito lang ang tanging mga nilalaman ng isip ko.

"Oo alam ko pero dahan-dahan lang at baka hindi tayo umabot doon!" Singit ni Rico.

Hindi ko pa rin siya pinapansin, tulala pa rin ako at parang lumulutang ako ngayon. May isa lang akong napapansin, sobrang hyper ako! Ang bilis ng pag kabog ng dibdib ko at alam kong hindi lang ito dahil sa takot, dahil sa mga oras na'to...sinasakop na ng adrenaline ang buo kong katawan.

"Hinto! Hinto ka muna!" Biglang sigaw ni Rico.

Bigla akong napapreno sa tapat ng isang Outpost di kalayu-an sa kampo ni Abdul. Doon may apat na sundalong nagbabantay. Mediyo nag alala ako dahil baka isa sa kanila ay tauhan ni Abdul.

"Wag kang mag alala, mga tao ko 'yan." Salita ni Rico. Siguro napansin niyang napahawak ako sa aking baril Kaya inunahan niya na ako.

Agad sumaludo sa amin yung apat.

"Good evening sarge!" Sabi pa ng isa.

Sarhento pala itong si Rico.

"Anong nangyare?!!" Sunod na tanong ng isang naka salamin.

Mga baguhan 'to sigurado! Parang nakikita ko nanaman sina Matteo noon.

"Inataki kami ng mga tauhan ni Abdul! Wala na sina Jory at Benji!" Deretsahang sagot ni Rico sa kaniya.

Agad bumakat ang gulat at takot sa kanilang mga Mata noong marinig nila ang sinabi ni Rico.

"Tawagan niyo ang headquarters na pupunta kami ngayon doon! Sabihin niyo mag padala ng back up!" Utos ni Rico sa kanila.

Agad dinampot ng isa Ang radyo at tumawag sa kanilang HQ.

"Sarge, sasama ako sa inyo!" Singit ng Isa sabay umangkas agad sa likod.

"Hoy! Teka!" Pag angal ko pero muli nanamang may umangkas na isa.

"Ako rin sarge!"

Hanggang sa lahat na talaga sila ay nakasakay na sa Jeep! Nilingon ko silang at pilit pinapababa.

"Hindi niyo kailangan sumama! Isipin niyo ang—"

"Hindi kita kilala at hindi ikaw ang commanding officer namin, Sino ka ba?!" Kunot noong saad ng lalakeng ngumunguya ng bubble gum.

"Kailangan mo ng tulong, kaibigan. Hindi mo kakayanin ang kampo ni Abdul na mag-isa. Hayaan mong tulongan ka namin." Singit ni Rico Kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sarge, s--sina Benji! Sarge—"

"Ipaghihiganti natin sila!" Seryosong singit ni Rico sa kasama Niya.

Sa mga oras na'to ay parang nakikita ko ang sarili ko kay rico. Ang determinasiyon niya, Ang galit, at ang pagiging commanding officer. Halatang may pagmamalasakit siya sa kaniyang mga tauhan kaya para sa'kin sapat na'yon para pagkatiwalaan siya.

Hindi na ako sumagot at basta nalang pinaharurot ang sasakyan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumarada kami sa isang sulok ilang kilometro ang layo sa kampo ni Abdul. Nilagyan namin ng mga tuyong sanga at dahon ang sasakyan para Hindi ito mapansin ng mga rumurondang tauhan ni Abdul. Sinabihan ko sila na wag mag dala ng marami para Hindi sila mahirapan pero parang nag aalinlangan ang Isa sa mga utos ko.

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now