Chapter 11

176 17 7
                                    

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 11

Briana's POV



"Oh my God, girl you need to try the zipline!!" Bulaslas ni Mae.


Nandito kami ngayon sa Cabugao Island. Dito puro nature activities ang marami. Famous ang zipline nila at yung sinasabi ni Anabel na cold spring sa forest. Actually I'm not into this kind of activities pero dahil nandito nalang din kami, why not diba?

Pumaling ako sa kabilang table kung saan si Geo mag-isa na naka upo. Like usual, tahimik lang siya. Nagmamasid lang sa paligid. Ang pinagkaiba lang ay sumama siya sa amin ngayon. Usually talaga nag papaiwan lang siya sa boat pero ngayon sabi niya sasamahan daw niya kami.

Uhmm.. forgot to mention about last night. Well, after those hugging moment namin ni Geo ay parang wala lang nangyare. We stayed the intire night at the deck of the ship and waited until the sun came up. Marami din kaming pinag-usapan. Mostly siya ang nag tatanong sa akin. He was asking about Daryl at kung ano ang trabaho niya so I told him everything.

Pero ang hindi ko talaga makalimutan ay ang pag mention niya ng Aurora. Actually na pa ngiti ako habang niyayakap ko siya that time. Don't know why pero I just like the name.

Hindi na ako nag tanong tungkol sa mga nalalaman niya sa akin, and I didn't tell anyone about it also. Ayokong mag create ng maraming issue. I just keep it to myself kung ano man ang pinag-usapan at nalaman ko kay Geo. Basta ang alam ko, he knows something about me and i want to remember it by myself. Na cha-challenge ako pero worth it naman. I hope it will go well lalo pa na malapit na kaming umuwi.

So, speaking of Geo...I feel so much comfortable now when he's around. I don't know how but when I see him, I feel secure and safe. Feeling ko he's always around to save the day, yung tipong hindi niya ako pababayaan? That's how I feel right now.

"Hon? Gusto mong i-try?" Biglang tanong ni Daryl kaya nabalik ako sa wisyo.

"Uhm..I don't know. Hindi ba scary?" Balik kong tanong sa kaniya.

Ngumiti lang siya at hinawakan ako sa kamay. "Nandito naman ako e." Sagot niya so I smiled back at him.

Tumayo kami at lumapit sa mga lalakeng naglalagay ng mga safety gears sa katawan. Habang inaayos nila ang straps sa katawan ko ay napadungaw ako sa baba.

"Shit!" Sambit ko talaga dahil bigla akong na lula.

Ang taas at sobrang matirik! I don't know about this pero kinakabahan talaga ako. Daryl was on the other side, busy din siya sa pag lagay ng mga straps niya.


But suddenly I felt someone came up to my side and started tightening up my safety straps.

"Hey, look at me." Sambit niya kaya bigla akong napalingon.

It was Geo at siya na pala ang naghihipit ng mga straps ko.


"G--Geo.." sambit ko and then I look straight into his eyes.


Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilipat niya ito sa aking dibdib kung saan may hawakan doon.


"Dito ka humawak." Panimula sabay may itinuro siya na cable na naka kabit sa likod ko. "This is your safety cable. Kapag mahulog kaman, ito ang sasalo sa'yo." Dagdag niya at pagkatapos ay dumungaw siya sa ibaba. "Hihintayin kita sa baba, good luck." Muling saad niya sabay talikod.


Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now