Chapter 30

186 16 22
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 30





Geo's POV



*Sudan co-op U.N airbase*




Nakaratay ngayon sa harapan ko ang mga nasawi sa misyong ito.



15 brave soldiers...



Kabilang na dito si Captain Harry Daniels.


We may have win this battle but the remains of this soldiers are always engraved in my heart!



Ganito na siguro ako. Kapag namatayan ako ng mga kabaro ay nagluluksa ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga mangungulila sa kanila. Hindi ko man sila lahat nakilala pero ang punto ko dito ay sabay-sabay kaming sumabak sa labanan! Dala namin ang sagisag nang pilipinas at ang tanging hangad ay kapayapaan!



Ilang mga magigiting na sundalo pa ba ang mamamatay para lang makamit ang tinatawag na kapayapaan? Ilang pamilya pa ba ang mangungulila sa kanila? Isa na rito sa kanila ay isang tatay, kapatid, asawa, at kaibigan.


Ilan pa sa kanila ang kukunin para lang ipaglaban ang gyerang walang pinatutungohan?!


Pagod na ako mag bilang ng mga dog tags...


Pagod na ako panoorin na may ilalagay nanaman sa itim na body bag.



Pagod na akong may ihahatid nanaman sa huling hantungan!


Kelan pa ba ito mahihinto?!



"Sir...the search team has arrived."


Dahan-dahan kong tiningala ang sundalong nag balita sa akin. Tumango ako sa kaniya bago tumayo.


"Great job soldier..." Sambit ko sa kaniya sabay tapik ng kaniyang balikat, at tsaka siya nilagpasan.


Habang naglalakad ako ay marami nanamang mata ang naka tingin. Wala kasi akong damit pang itaas kaya kitang-kita nila ang mga bakat ng sugat na aking tinamo.


Hanggang ngayon, may mga sugat pa rin ako galing sa pambubugbog sa akin. Hindi pa rin nawala ang dinaanan ng kahoy na siyang nagpasugat sa aking katawan.


Agad akong napahinto noong lumapit na ang mga search team sa akin at sumaludo.


"So? Did you find him?" Tanong ko sa kanila.


"I'm sorry...we didn't find him, sir." Sagot ng lalake sabay pakita sa akin ng mga larawan na kinunan nila sa crash site. "No one can survive that." Dagdag niya.


Maliban Kasi sa mga katawan na nandito ay hindi ko makita ang katawan ni Roz! Siya ang pinupuntarya ko dahil gusto kong ma sigurado na kasama din siya sa pag sabog.



Pero hindi siya makita..



Malakas ang kutob ko na set up nanaman ito. Ang daming mga katanungan ang siyang bumabagabal sa akin. Katulad nalang nang dalawang missiles na nag pasabog sa helicopter ni Daniels at sa eroplano ni Daryl. Saan galing 'yon?! Bakit ang katawan lang ni Roz ang hindi makita?! Sigurado ba si Daniels na si Roz ang nakuha niya at hindi ang isa sa mga tauhan niya?



"Captain!"



Agad akong napalingon noong may tumawag sa akin.



Si Lopez pala habang may dala siyang mga bindahe at damit sa akin.


Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now