Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 5
It's been a week already...
Isang linggo na ako dito sa hamtik at parang pakiramdam ko ang tagal ko na dito. Life here is so simple, that's what i love about this place. Every morning magigising ka sa amoy ng pang gatong habang nagluluto si Anabel. Sa amoy ng bagong luto na pandesal na kakabili lang sa naglalako. Ang lamig dito sa umaga, lalo na pag madaling araw, kaya preska talaga ang pakiramdam mo pag gising mo. Pagkatapos niyang mag luto ay mag didilig kami ng mga halaman at bulaklak niya sa labas at kapag magigising na ang mga lalake ay ipaghahanda namin sila ng makaka-in. Parang nag babahay-bahayan lang kami pero bakit ang saya-saya ko?
The boy's do the hard jobs, like pag-iigib ng tubig, pag bibiyak ng mga pang gatong, sila din ang naglalaba ng kanilang mga damit kaya hindi talaga sila pabigat. Sila din ang namamalengke, at kapag wala silang nagagawa ay nangingisda sila ni Matteo. So simple lang talaga.
Wala silang Tv dito pero may radyo. Doon ko palaging naririnig si Anabel na kumakanta habang may ginagawa. Walang cellphone, walang wifi, walang internet, as in zero talaga sila sa technology. PERO! Hindi ito naging hadlang sa kanilang simpleng pamumuhay.
Sobrang layo sa buhay ko sa city. Lumaki ako sa malaking bahay na maraming katulong. Ni minsan ay hindi ko naranasan na mag linis. Kahit sarili kong kwarto ay may katulong akong tagalinis doon. Mga magagarbong damit at sapatos, mga kagamitan na bago at trending. Basta lahat ng iyon ay kabaliktaran dito. Sinanay ako ng ni mommy na hindi maging maarte, kaya siguro hindi mahirap sa akin na mag adjust sa pamumuhay dito.
May mga bagay lang akong namimiss siyempre. Like the food. Dito isang ulam lang kami, minsan ang ulam sa umaga ay iinitin pa ito sa gabi. Pasalamat nalang ako dahil masarap mag luto si Anabel kaya kahit anong hinaha-in niya sa lamesa ay kinakain ko talaga. Maliban nalang sa "Lato" kung tawagin. Isa itong halamang dagat at sinasawsaw lang nila ito sa suka tsaka kakainin. Hindi talaga kaya ng sikmura ko ang lasa niya. Parang glue ang amoy na mediyo ma asim ng parang ewan.
At tuwing gabi pagkatapos ng hapunan ay magtitipon-tipon kami sa labas ng bahay. Magtatawanan at mag kekwentohan hanggang sa dalawin ng antok. Ganiyan lang kasimple matatapos ang araw namin dito. Minsan iniisip ko bakit hindi namin ito nagagawa ng pamilya ko? Bakit hindi na kami lumalabas like family outing? Simula noong namatay kasi si Kuya ay naging malayo na sina mommy at daddy sa isa't-isa. Palaging busy na kasi si Daddy. Si mommy naman, as usual sa bahay lang at marami din iniintindi. Nakakalungkot lang isipin na sana ganito din kami, sana masaya rin katulad nila.
"Malalim ang iniisip mo." rinig kong salita ni Geo.
Kasama ko siya ngayon habang nakasakay kami sa bangka. Sabi niya kasi may gusto siyang ipakita sa akin. Isang lugar na paborito niyang puntahan kapag gusto niyang makapag-isip.
"Pasensiya ka na kung hindi ka nakatawag kanina. Hindi ko alam na—"
"It's fine." singit ko sa kaniya. "It's not your fault."
Pangalawang punta na kasi namin sa bayan. Palagi akong bigo na makatawag sa bahay dahil hanggang ngayon, hindi pa nagbubukas ang tanging telephone station nila. I really appreciate what Geo is doing. Ginagawa niya naman lahat para lang hindi ako mabigo. May araw nga na nag hintay siya doon sa labas ng telephone station buong mag hapon para lang makapareserve kami. Hindi lang kasi ako ang gustong gumamit ng telepono doon, marami ding iba.
"Makakauwi ka rin, pangako ko 'yan." muling saad niya kaya napangiti ako.
Humugot ako ng buntong hininga tsaka hinarap siya.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...
