Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 38
*Flashback*
*2 YEARS AGO*
*AIRPORT*
Sitting here on the bench while waiting for him was so frustrating.
Sabi ni Eric kanina, hintayin kolang daw si Geo dito dahil may inaasikaso lang siya. Hindi pa naman oras para mag check in so i waited.
Wala akong dalang cellphone. Iniwan ko sa bahay dahil may tracking device daw 'yon sabi ni mommy.
It's just so sad leaving mom on that house. Kahit na aalis ako kanina ay hindi niya manlang ako pinigilan. Pabilisan ang pamamaalam ko sa kaniya kanina at habang tinititigan ko siya ay parang tinutulak ako nang kaniyang mga mata na umalis sa lugar na'yon.
I told her everything kaya alam niya kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko. I also told her na babalik kami when the time is right kaya siguro hindi na siya umangal.
Actually i'm excited. Hindi na ako makahintay na sabihin kay Geo that we're having a baby! Napapangiti ako habang ini-imagine kami na may bata. I'm sure matutuwa si Geo nito knowing that he's going to be a father.
Habang nag hihintay ay may napansin akong mga sundalong iba ang uniporme. Marami sila at sabay-sabay naglalakad sa labas ng departure area. Na pa linga-linga ako at baka mga kasamahan ito ni Geo pero parang nag hinala akong hindi dahil may mga ibang nationalities ang naka bilang doon.
And then...
Out of the blue ay nagulantang nalang ako sa lalakeng biglang umupo sa tabi ko.
Pumaling ako sa kaniya at mas lalo akong nagulat noong makita si Daryl.
"Don't move!" Bulong niya sa'kin.
Hindi ko nagawang magsalita dahil may kung anong nakatutok na pala sa aking tagiliran.
I look at his hand at pansin kong may mga bahid ng dugo ang kaniyang kamay at damit.
"D--Daryl...please!" Kalmado kong bulong sa kaniya.
Hindi siya sumagot dahil agad niya akong inakbayan.
"I don't wanna hurt you, Briana. Sundin mo nalang ang sasabihin ko at siguradong pasasalamatan mo'ko pagkatapos nito."
Kinuha niya ang aking bag, hinugot niya ang aking dog tag na naka lawit at pagkatapos ay isinabit niya ito sa babaeng natutulog sa gilid ko.
"Let's go..."
Hinila niya ako patayo habang naka akbay pa rin siya sa akin. Dito ko na nasilayan ang baril niyang nakatutok sa aking tagilan kaya mas lalong akong natakot.
"D--Daryl please!! Wag mong gawan 'to! Hindi ka masamang tao."
Hindi niya pa rin ako sinasagot at patuloy niya lang akong dinadala sa gilid kung saan ang exit.
Lumabas kami sa exit at nag lakad pa ikot kung saan matatagpu-an ang luggage area ng eroplano. Hindi nag tagal ay may lalakeng bumaba doon at pagkatapos ay sumenyas lang si Daryl sa kaniya at dito niya na kami pinadaan sa hagdan paakyat ng eroplano.
Bago pa kami pumasok ay laking gulat ko nang lagyan ako ng Daryl ng posas.
"If you shout I'll shoot right here!" Seryoso niyang tugon kaya hindi ko na nagawang sumagot.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...