Chapter 28

172 16 41
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 28






*Flashback*





*Door slammed wide open!*



"GISING!!! GUMISING KA PUNYETA!!!"



*PAAAAAK!!! PAAAAAAAK!!!*



"AHHHHH!!! Papa!! Aray!! Ahhhhh!!! Ano po ang ginawa ko?!! Aray!!! Papa!!!"



"Iiwan mo rin ba ako?! Ha?!! Tayo!!!"



"Aray papa!!! Ahhhhhh!! Mama!! Mama!!!"



"Wala na dito ang gaga mong ina!! Tumigil ka!!!"



"Aray!!! Aray!!! Papa masakit po--ARAY!!! Araaaaaaaaaay!!!"



"SER GERRY!!! TAMA NA!! MA AWA KA SA ANAK MO!! SER GERRY!!!"



"Wag kang mangialam dito, LUSING!!! ALIS!!!"



"Kuyaaaaaaa!!! Kuya Geo!!!! Aray!!! Aray!!! Ahhhh!! Kuya Geo!!!!"



"TUMAHIMIK KA!!!! Iniwan na nila Tayo!!! Mga walang kwenta!! Mga walang utang na loob!! Tayo ka diyan!!!"



"PAPA ARAY!!!! AHHHHHH!!! ARAY!!!! KUYA GEOOOOOOOOOO!!!!!"



>>>>



>>>>



>>>>




Anabel's POV



"K--Kenj? Okay kalang?"



Mabilis na napakurap si Kenji habang patagong nag punas ng luha bago siya umiwas sa akin.



Na abutan ko siyang tulalang naka tayo sa harap ng Isang kwarto. Sabi ni kuya Geo ay kwarto daw ito ng mga magulang nila noon. Simula noong dumating kami ay hindi niya rin pinabuksan ito sa hindi ko malaman na dahilan. Akala ko may tinitingnan lang si Kenji kanina. Naka kuyom ang mga kamay niya at umiigting ang bagang niya at ang sama ng tingin niya sa door knob.




"Kenj?" Sambit ko ulit sabay lapit pero ilang sandali pa ay mabilis siyang umusog palayo sa akin.




"H'wag...." Walang emosiyon niyang sambit at pagkatapos ay agad din siyang umalis sa harap ko.



Pinagmasdan ko siyang nag lakad hanggang sa maka labas ng kusina.



Bakit ang lungkot nanaman ng mga mata niya?! Anong nangyare?! Ano ba ang kwento sa bahay na'to at pareho sila ni kuya Geo ng mga kinikilos pag dating sa mga ganito?!



>>>>



>>>>



>>>>



Tanghali na ngayon pero at ang lakas ng ulan. Hindi ko na nakita si Kenji mula pa kanina. Nandito lang kami ni Matty sa sala. Binabantayan ko siyang nag lalaro sa kaniyang playpen habang ako naman ay nag babasa ng libro.



May nakita kasi akong mga libro sa gilid ng aparador malapit sa kwarto, kaya kumuha ako para may paglibangan.




Ilang sandali pa ay may na rinig ako galing sa likod ng bahay. Parang may nagsisibak ng kahoy. Kumunot ang noo ko dahil sino ang magsisibak ng kahoy sa ganitong oras lalo pa't umuulan?



Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now