Chapter 37

199 16 45
                                    

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo



Chapter 37






Geo's POV




*Flashback*

*TWO DAYS AGO*




Mahigpit ang bantay sa buong compound ng mga Castro. May guard sa labas at may nag roronda din sa loob. Hinintay ko na mamatay ang ilaw sa pool area nila at doon na ako nag tago sa dilim. Darkness was always my advantage. I can easily squeeze myself through the corners without anyone noticing me. Experto ako dito kahit pa noon, siguro dala na sa aking karanasan ay parang wala na sa'kin itong ginagawa kong pag pasok sa kumplikadong teretoryo.





Nag tago ako sa haligi ng gazebo. I took out a device that can intercept cctv transmissions, at noond pinindot ko ito ay biglang huminto ang kanilang pag ikot.





Dito na'ko nagkaroon ng pagkakataon na akyatin ang bubong papunta sa bintana ni Briana. Ma ingat akong huminto sa labas ng bintana at nag pa linga-linga kung may nakakita.




Pag paling ko sa loob ay nakikita ko na ang aking Mahal. She was crying. Nakahiga lang siya habang umiiyak at yakap-yakap ang unan.




Kumatok ako ng dalawang beses at noong pumaling siya sa dereksiyon ko ay bigla siyang napabalikwas sa kama. Dali-dali siyang tumakbo at binuksan ang bintana at noong magkaharap na kami ay agad niya akong hinila sa loob.





"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" pabulong niyang sigaw at pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.





"Namiss kita kaya pinuntahan kita dito." Sagot ko sa kaniya dahilan para mas lalong humigpit ang kaniyang mga yakap.




"It's dangerous, Geo! Paano kung may nakakita sa'yo?! Ayokong mapahamak ka dahil lang---"





Hindi niya tuloy ang kaniyang mga sinasabi dahil sa bigla ko siyang hinalikan.




"You always talk too much." Naka ngiti kong saad.





Dito na gumuhit ang kaniyang mga ngiti kaya nawala na ang aking takot. Makita ko lang ang mga ngiti niyang 'to ay pakiramdam ko kaya ko nang malagpasan lahat nang problema. Everything about her makes me calm. Parang nakakapag-isip ako ng maayos kapag kasama ko siya. Even just her presence.




Sumandal kami sa padir habang naka upo sa sahig. Niyakap niya ang aking braso at hinigpitan ang hawak sa aking kamay.




"Anong gagawin natin, Geo?" Biglang tanong niya.




Hindi ako naka sagot ng ilang segundo. Humugot ako ng buntong hininga tsaka hinalikan ang kaniyang ulo.




"We'll get through this, Bri. I promise! Malalagpasan natin 'to. With or without their blessing, kukunin pa rin kita." Sagot ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa'kin.





"Why are you so confident about this? Ako, iniisip ko palang ay parang nahihirapan na'ko. Samantalang ikaw parang wala lang sa'yo. Bigyan mo naman ako nang kaunting tapang."





Napangiti ako at napatingin din sa kaniya.



"I'm just looking into another perspective. Hayaan natin na tadhana ang mag dala nito." Sagot ko at pagkatapos ay tuloyan ko siyang hinarap.




Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now