Chapter 29

192 14 75
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 29






Anabel's POV


Hindi ko alam kung anong oras na, pero nagising ako noong maka rinig nang parang may nagkabasag-basag na bote. Umupo ako sa kama at nalamang hindi pa pala naka uwi si ate Briana.


Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang gate at parang napalakas ito sa pag tulak. Doon na ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Na pa linga-linga pa ako sa buong bahay. Wala namang kakaiba, pero noong sumilip ako sa bintana ay bigla nalang nandilat ang mga ko!!

Siguro mga na sa apat 'o limang kalalakihan ang siyang naka higa sa sahig habang namimilipit sa sakit. Naka suot sila ng itim na uniporme at may mga maskara ang ilang mukha.

Sa tapat naman nila ay may lalakeng naka Tayo at may hawak sa beer sa kamay. Doon muling nambilog ang mga mata ko nang makita si Kenji. Walang emosiyon niyang tinititigan ang mga nilalang sa harap niya habang lumalagok ng beer.

"Anong kailangan niyo?" Tanong nito sa mga lalake na pumupormang aatake sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang mga nangyare.

"Sumama ka sa amin, Kenji! Pinapatawag ka ni General Castro!" Sagot ng isa kaya nagulat ako.


General Castro?! Hala! Iyon ang ama ni ate Briana! Anong kailangan nila kay Kenji?!

"Aahhh..si Castro. Hanggang ngayon pakialamero pa rin ang matandang 'yon." Sagot ni Kenji sabay upo balik sa kaniyang pwesto kanina. "Nananahimik ako dito ha!ang sarap pa ng inum ko, tapos dedestorbohin niyo lang ako?!" Dagdag nito.


"Wag ka nang lumaban Kenji, para wala nang gulo! Sumama ka na sa amin ng maayos!" Muling saad ng lalake habang dahan-dahan silang lumalapit kay Kenji.


Hala!! Anong gagawin ko?! Bakit nila gustong kunin si Kenji?!


"Ubusin kolang 'to ha?! Tsaka wag ka ngang ma ingay! May batang natutulog sa loob! Tss..." Sagot ni Kenji sa kaniya.

Bakit Parang hindi manlang siya nababahala? Bakit parang wala lang sa kaniya na may mga gustong kumuha sa kaniya?!

Ilang sandali pa ay may biglang sumugod kay Kenji! Napasinghap ako nang bigla niya itong dinamkma at sinakal hanggang sa mawalan ito ng malay. Bigla niyang binitawan ang lalake at muling tinitigan ang mga naka antambay na gustong kumuha sa kaniya.

"Binabalaan ko kayo! Kapag nagising ang mag-ina sa loob, tutuloyan ko talaga kayo!" Banta niya sa kanila. "Sige na, alis! Kunin niyo na 'tong mga walang kwenta niyong kasamahan!" Dagdag niya.

Hindi nag tagal ay pansin kong may patagong humugot ng kutsilyo. Nagbabalak itong sumugod kay Kenji kaya hindi na ako naka tiis! Bigla kong binuksan ang pinto at sumigaw.

"KENJI SA LIKOD M—"

Hindi ko natapos ang aking pag sigaw dahil may biglang humawak sa akin at tinakpan ang aking bibig. Nagawa kong lumihis ng tingin sa kaniya at laking gulat ko nalang nang makita si Eric.

"Ma'am, please wag kayong mangialam. Inutusan lang po ako." Saad nito sa akin.

"Hoy! Bitawan mo ang mama namin!" Sigaw ni Kenji sa kaniya.

"Kenji, sumama ka nalang brad! Para wala nang gulo." Pakiusap ni Eric sa kaniya pero napangisi lang si Kenji.

Nilapag niya ang kaniyang beer sa lamesa at nagsimulang lumapit sa amin ni Eric. Kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa kaniyang mga mata. Mga matang katulad ni kuya Geo kapag nagagalit.

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now