Chapter 20

192 16 19
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo


Chapter 20







Geo's POV





*Flashback*




"Pa!!!! Papa wag po!!! Natatakot po ako dito!!"



"Diyan ka para matuto ka!! Wala akong anak na duwag!!" (Papa)




"Papa!!! Papa!! Ang dilim po dito!! Mamaaaa! Tulongan mo'ko!!"




"Gerry please!! Ma awa ka sa anak mo!! Hindi ganiyan ang-" (Mama)




*Paaaaaaaak!!!*




"H'wag kang makialam dito!! Don't teach me how to discipline my son!! Kaya ganiyan 'yan dahil bini-baby mo!!" (Papa)




"Papa please!! Magpapakabait na po ako!! Magiging matapang na po ako!! Papa!!"




"Mabulok ka diyan!!" (Papa)




*Metal doors closed!*




"Gerry!! Gerry!!" (Mama)




"Pag binuksan mo 'yan, babarilin kita, Katrina!!" (Papa)




"Papa!!! Papa!!!! PAPAAAAAAAAAA!!!!"



>>>



>>>




>>>




"Papaaaapapaaa!!!"




Napakurap ako at napatingin kay Matty habang tinatawag ako. Naglalaro siya sa sahig with his toys kaya napangiti ako sa kaniya at napahugot ng buntong hininga.



Binalik ko ang tingin sa maliit na bakal na pinto. Hanggang ngayon ay na aalala ko pa rin ang mga dinanas ko sa bahay na'to. Hindi madali para sa akin ang maging anak ng isang sundalo. Maraming mga expectations sa akin dahil lalake ako. Inaasahan niya na susunod ako sa yapak niya balang araw, kaya maliit palang ako ay nahasa na ako sa maling pamamaraan.



Kapag nagkamali ako ng sagot, sasampalin! Kapag mag salita habang kumaka-in, sasampalin! Kapag hindi agad maka sunod sa utos niya, sasampalin! Itatali sa upu-an at hahayaan dito sa gitna ng bahay magdamag. Ibibitin patiwarik at papalu-in! At ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang silid na ito! Ikinulong niya ako dito dahil nalaman niyang nagpapasama ako kay mama sa banyo dahil natakot ako sa dilim! Hindi ko malaman kung Ilang drum na pawis at luha ang pwedeng makuha sa sobra kong iyak. Sobrang dilim! Wala akong ibang nakikita kundi kadiliman, at sa murang edad ko na iyon ay wala akong ginawa kundi umiyak! Sa bawat patak ng aking luha ay pawang bahid ng galit sa aking ama! Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapahirapan noon. Iniisip ko nalang na balang araw ay mawawala rin ito, na mamahalin niya ako katulad ng ibang mga bata.





Pero akala kolang pala...




Bawat sulok ng bahay dito, may marka ng aking kabataan! Trinato niya akong tauhan kaysa sa sariling anak! Ni minsan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Mas masahol pa siya sa training intructor ko! Mas grabe ang dinaanan ko sa kaniyang pagmamaltrato! Pero kahit gan'on ang sinapit ko sa aking ama ay nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya. Dahil kung hindi dahil sa pagpapahirap niya sa akin ay hindi ako humantong sa pagiging sundalo!




Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now