Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 3
Briana's POV.
Nagising ako sa silak ng araw mula sa bintana. Sariwa ang hanging kaya bago ako tumayo ay nag stretching pa ako at napahinga ng malalim.
Ang sarap ng tulog ko. Ang sarap ng kama ni Geo. Ang bango ng mga unan niya, pati ang kumot ang bango din. Kahit maliit lang ang kaniyang kwarto pero sobrang hipid naman ng mga kagamitan niya. Hindi makalat at lahat in order. May maliit na aparador doon, mapapansin mo ang mga damit niyang naka tupi ng maayos. Sa ilalim naman ay ang kaniyang dalawang sapatos na naka tabi sa gilid. May na pansin din akong boots, no! Parang army boots na pinaglumaan na. Parang sira na ito kaya siguro iyon lang ang naka hiwalay sa lahat.
There are some books sa taas ng kaniyang munting lamesa, pati ang mga kagamitan doon katulad ng ballpen, compas, ruler, papel, at marami pang iba ay mahipid na naka ayos.
Pero...
Sa lahat ng mga kagamitan doon, mayroong bagay na siyang kumuha ng atensiyon ko. Tumayo ako at nilapitan ito. Parang naka tago pa siya sa likod ng mga damit niya habang naka sabit sa pako.
Mga Dog Tags....
Kumunot ang noo ko. Dog tags? Sundalo ba siya 'o may mga kaibigan siyang sundalo? Bakit ang dami naman nito?
Tiningnan ko ito ng mabuti at doon ko nakita ang mga pangalang naka ukit doon.
Gunner
Cheng
Jiggins
Nikky
Apat ang una kong nakita, pero may isang dog tag doon na malabo ang pangalan. Kinuha ko ito at mas lalong tiningnan.
Hanggang sa....
"Anong ginagawa mo?!"
Laking gulat ko nalang noong biglang may nag salita sa may pintu-an. Mabilis akong lumingon at doon ko na nakita si Geo na seryosong naka titig sa akin.
Mabilis siyang lumapit sa akin at bigla niyang hinablot ang mga dog tags sa kamay ko.
"Pinayagan kitang matulog dito, pero hindi ko sinabing pakialaman mo ang mga gamit ko!" galit niyang saad. Shaks!
Napa atras ako sa takot at hindi naka imik. I admit, kasalanan ko naman talaga dahil sobra akong na curious sa mga gamit niya.
"I--I'm sorry." na uutal kong saad. "Hindi ko sinasadiyang—"
"Lumabas ka na, aalis na tayo!" singit niya sa akin at pagkatapos ay mabilis niyang ibinalik ang mga dog tags sa aparador at padabog niya itong isinara.
Hindi na ako sumagot at baka magalit pa siya. Minabuti ko nalang na sundin ang sinabi niya.
Pag labas ko ng kwarto niya at nagulat nanaman ako bakit nagliligpit sina Matteo at Anabel. Andaming mga dala, may mga beer, pagkain, paper plates, at prutas.
"Magandang umaga, Miss Briana." bati ni Matteo kaya napangiti ako.
Haaaaay, at least may bumati sa akin ng maayos!
"Uhh--Anong meron? May lakad ba kayo?" Tulala kong tanong.
"Tayo! May lakad tayo kaya mag ayos ka na." sagot ni Matteo kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...