Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 43
Geo's POV
Buong byahe kaming hindi nagkikibu-an.
Habang nagmamaneho ay napatingin ako sa kamay niya.
Nanginginig ito.
Hindi ko alam kung dahil ba epekto ito ng pagka alcoholic niya dati 'o baka nalalasahan niya lang ang alak sa mukha niya?
Pinipiga niya ito at hindi niya pinapahalata sa'kin. Ngayon kolang din napansin na pumayat na siya at nawala na ang dating matipunong katawan.
Para akong tanga dito na nagnanakaw nang tingin sa amang dati kong kinasusuklaman.
Noong pumarada ang aking kotse sa tapat ng gate ay agad akong bumaba. Ako pa ang nag bukas nito tsaka hinintay siyang bumaba ng kotse.
Nakaka-ilang. Parang hindi ko siya kayang tingnan ng deretso.
Minabuti ko nalang na umiwas at bumalik sa may pintu-an ng kotse.
"Anak sandali!"
Napatigil ako. Nakayuko at ayaw siyang madapu-an ng tingin.
"Uhh--gusto mo ba ng cha-a?" Tanong niya kaya napangisi ako at umiling.
"I didn't drove you here just to have tea with you." Sagot ko sabay bukas ng pintu-an.
"I've missed you, son!" Sigaw niya dahilan para umigting ang bagang ko. "Siyam na taon akong nawala, sana bigyan niyo naman ako nang pagkakataon na---"
"Stop! J--Just stop this shit!" Inis kong singit sa kaniya. Napahugot ako ng buntong hininga tsaka dito na siya dinapu-an ng tingin. "I'm just gonna say this once.... don't ever show your face again. Lalong-lalo na sa kapatid ko! We don't need you anymore! We never were! All you care was yourself and your good at that. Pasalamat ka dahil marunong akong umintindi, dahil kung hindi.." napahinto ako at umiwas ng tingin.
Ayokong tapusin ang aking sasabihin. Lalo pa't hindi siya kumikibo at nakatitig lang sa akin.
"I--I'm sorry...." Biglang niyang sambit at pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumalapit sa'kin. "I'm so sorry! I know--"
"T*ngina diyan kalang!!" Sigaw ko pero hindi siya nakikinig.
"I know I've never been a good father and i will regret that for the rest of my remaining life."
"STOP!!! TAMA NA!!"
"Pero kahit anong taboy niyo sa'kin, Hindi ko kayo susuku-an! Mahal na Mahal ko pa rin kayo at---"
"TAMA NAAAAAAAA!!!"
Hindi ko na ako nakapagpigil. Noong tumapat siya sa harap ko ay bigla ko siyang kinwelyohan.
"MOM DIED BECAUSE OF YOU!! NAGKAWATAK-WATAK ANG PAMILYA NATIN DAHIL SA'YO!! IKAW!! IKAW ANG RASON!!" buong lakas kong sigaw at kasunod n'on bumuhos ang aking luha! "I USED TO LOOK UP TO YOU!! You....you were my hero and i want to be just like you!! PERO T*NGINA BAKIT KA NAGING DEMONYO?!! HA?!! BAKIT?!!"
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AksiPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...