Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 25
Briana's POV
"Hala ate, sino ang Kenji na'to?! Tatay niya ba?! Kamag-anak?! Baka lolo Niya?!" Bulaslas ni Anabel.
"Siguradong hindi lolo! May na banggit ba si Geo sa'yo tungkol sa pamilya Niya?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Wala po e..hindi naman nag ke-kwento si kuya Geo sa'kin tungkol diyan. Basta ang sinabi niya lang na sa tatay niya ang bahay na'to, tsaka marami daw siyang hindi magandang karanasan dito." Paliwanag ni Anabel.
Parang na curious tuloy ako. Nakakapagtaka talaga kung sino 'tong Kenji na'to.
"Ate baka minumulto na'ko dito?! Kinuha niya pa si Matty tapos binalik dito sa bahay! Hindi ka ba nakakapagtaka?! Paano nangyare 'yon?! Tsk! Sana hindi nalang binigay sa'kin ni kuya Geo 'tong bahay!"
Doon na ako biglang napatingin sa kaniya.
"I'm Sorry what?!" Dali-dali kong sagot. "Bigay? Wait... I'm not following."
"Si kuya Geo Kasi! Inilipat niya ang pangalan nitong bahay sa'kin! Sabi niya SOP daw yun sa mga sundalo na mag habilin sa kanilang mga pamilya sa tuwing aalis sila." Napahinto siya at na pa Yuko. "Kapag daw...kapag daw may mangyareng masama sa kanila."
Natulala ako. Hindi dahil sa SOP na 'yan dahil kundi sa pag lipat ng pangalan ng bahay kay Anabel. Didn't expect Geo to come this far. I mean, inilipat talaga? Tsk! Ito nanaman ako!
"W--Wow! Hehe.. that's uhhm.. that's so nice of him." Nag aalinlangan kong saad.
"Ayoko na ate! Tatanggihan ko na talaga 'to! Malay mo iba pala ang may-ari nitong bahay! Tsk! Kainis Naman e!"
Napahugot ako ng buntong hininga at nginiti-an siya.
"Mas kilala mo si Geo kaysa sa akin. He has his reasons okay? Just trust him! Hindi 'yun mag didisisyon kung wala siyang dahilan." Wika ko sabay tayo at kinuha ang aking cellphone.
"Ate, sino po tatawagan niyo?" Tanong agad ni Anabel.
"May kaibigan akong nagtatrabaho sa city Archives, try natin ipahanap kung sino ang naka tira dito bago sa inyo ni Geo." Paliwanag ko naman sa kaniya.
"Sigurado po kayo? Hintayin nalang kaya natin kapag tumawag si kuya Geo para matanong natin ng maayos?"
Well, she's got a point. Pwede rin 'yon pero Parang hindi talaga ako mapakali. Sino kaya ang Kenji na 'to?!
"Pwede rin na hintayin natin ang tawag niya. Pero baka matagalan pa'yon, Bel? Depende sa'yo." Sagot ko dahilan para ma pa Yuko siya.
"Tsk! S--Sige ate..kung ano po sa palagay niyo ang makakabuti."
Napangiti ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Don't worry okay? Gusto mo kausapin ko rin si daddy? Dagdagan natin yung magbabantay dito?" Tanong ko at agad naman umiling si Anabel.
"Nako wag na po! Okay na'ko kela Alyson at Eric."
"Okay sige basta mag sabi ka lang ha? And simula ngayon dito na'ko tutuloy hangga't maka uwi si Geo para may kasama kayo. Okay lang ba sa'yo 'yan?"
Agad napangiti si Anabel at tumango. "Salamat ate ha?! Pwede po talaga!"
"Sige, uuwi lang ako para kumuha ng gamit tapos babalik agad ako, okay?" Tugon ko.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AcciónPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...
