Chapter 32

192 15 39
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo


Chapter 32





Anabel's POV



Hindi ko alam kung anong oras na, pero nagising ako sa kakaibang amoy galing sa labas.



Noong minulat ko ang aking mga mata ay mag-isa nalang ako sa kama. Wala na si Matty at wala na rin si kuya Geo. Bigla akong na pa upo at napatingin sa oras.



Hala! Alas otso na pala!



Dali-dali akong tumayo at inayos ang aking sarili. Pagkatapos kong ayusin ang mga kumot at unan ay tinali ko muna ang aking buhok habang nakaharap sa salamin.



Napakunot ang noo ko dahil bakit parang ang putla ko ngayon! Mahina kong sinampal-sampal ang mga pisngi ko at humugot ng malalim na hininga.



Ilang sandali pa ay may nasagi ang mga mata ko sa ilalim ng salamin. Naka patong ito sa taas ng lamesa. Napatigil ako ng ilang segundo nang makita ang isang pungpong na mga bulaklak at parang kakapitas lang ng mga ito. Dahan-dahan ko itong kinuha at tinitigan. Inamoy ko ito at napangiti dahil alam kong isang tao lang ang magbibigay sa'kin ng bulaklak.




Si kuya Geo...



Akma na sana akong lalabas pero bigla kong na alala ang mga nangyare kagabi. Parang na iilang akong lumabas at makaharap si Kenji ngayon. Hindi ko alam kung nandito pa siya 'o baka tinuloyan nga niyang umalis nalang dito. Pero bahala na, galit pa rin ako sa kaniya at hindi siya ang priority ko ngayon!



Baka walang makain sina kuya Geo dahil tulog pa ako kaya kailangan ko nang lumabas.



Pag bukas ko palang ng pinto ay agad gumuhit ang kakaibang amoy. Parang masangsang na hindi ko ma intindihan. Nag taka tuloy ako kung ano ito kaya nagmadali akong nag tungo sa kusina.



Habang naglalakad ako papunta doon ay may naririnig akong nagsasalita. Boses lalake at parang may kinakausap siya na hindi sumasagot.




"Ayan, see that? That's how we cook it when i was young. Smells bad ba? Hmm? Hindi naman eh! Hehe. Masarap kaya 'to!"



Dahan-dahan akong sumilip at napangiti agad ako noong makita si kuya Geo! Karga-karga niya si Matty at siya pala ang nagluluto.



Mas lalo akong napangiti dahil ang cute nilang tingnan ni Matty. Kinakarga niya si Matt gamit ang Isang kamay habang sa kabila naman ay nagluluto siya nang hindi ko ma intindihan kung ano 'yon, hahaha!



"Try mo anak, small lang." Saad ni kuya Geo tapos sinubu-an niya si Matty ng konti pero agad naman itong dinura ng bata. "HAHAHAHA! ayaw? Hahaha!"



"Good morning po!" Doon na ako nagpakita kaya nagulat sila.



"Oh, mabuti gising ka na pala." Sagot naman ni kuya Geo at pagkatapos ay nilipat niya na si Matty sa akin. "How's your sleep?" Dagdag niya.


"Uhh--na pa hirit nga ako eh. Sana ginising niyo po ako."



"Okay lang 'yon.." sagot niya at pagkatapos ay bumalik sa kaniyang ginagawa.



"Si Manang Lusing po?"



"Inutusan ko munang mag grocery. Wala na kasi akong mahanap dito sa ref." Napahinto siya at nilingon ako. "Bel, Diba sabi ko dapat palaging may laman itong ref natin? Wala nang gatas si Matt. Yung chocolate drink na paborito niya wala na rin dito. Mga pang araw-araw na lutu-in, wala!



Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now