Chapter 21

174 16 14
                                    

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo


Chapter 21




Anabel's POV




Dinala kami ni kuya Geo sa Isang mall.



Sa totoo lang sobrang namangha ako dito dahil ngayon palang ako nakapasok ng mall. Ang dami palang mga bilihin dito. Tama nga ang mga naririnig ko na pera lang talaga ang kulang kapag pumunta ka sa mga lugar na'to.


Kahit si Matty ay sobrang tahimik. Siguro naninibago din siya sa lugar at sa dami ng tao. Naka yakap lang siya kay Geo at hindi gumagalaw.



"Awwww...bakit ang tahimik ng baby namin?" Malambing kong saad habang hinahaplos ang likod niya.



Napangiti si Kuya Geo at ginulo-gulo ang buhok ni Matty. "Takot ba? Hmm? Takot 'yan?! Nandito naman papa at mama eh! Suuuus!"



Hindi ko talaga napipigilan ngumiti kapag nilalambing niya si Matty. Minsan napapa-isip ako na kung paano kaya kapag matagal namin hindi makasama si kuya Geo? Ano kaya magiging reaksiyon Niya? Baka hindi ako tigilan ni Matty. Hehe.



Ilang sandali pa ay inakbayan ako ni Kuya Geo. Inusog niya ako papalapit sa kaniya dahil maraming tao. Nagtataka pa ako dahil bakit ang daming naka tingin sa kaniya. Siguro dahil ang gwapo niyang tingnan sa kaniyang uniporme. Ang bango-bango pa!



"Bel, hanap ka mamaya ng makakainan ha?" Biglang saad niya.


"Po? Hindi ba tayo uuwi pagkatapos dito?" Sagot ko dahilan para mapangiti siya.


"Mamaya na siguro, palamig muna Tayo." Napahinto siya tsaka umusog sa'kin na parang may ibubulong. "Na promote ako ngayon. Lilibre ko kayo ni Matty."


Pasimple akong ngumiti. Ang ba-it niya talaga. Ni Minsan hindi ko naranasan ang mag damot siya sa amin. Lahat binibigay niya kahit wala na siyang natitira.



Na alala ko noon sa Siargao, lahat ng benta niya sa pangingisda binigay niya sa'kin. Kumuha lang siya ng singkwenta pesos para pambili ng beer niya, pero ang lahat binigay niya na sa'kin. Sabi niya itago ko na daw para kahit paano may ipon kami para kay Matty.



Kahit walang-wala na siya basta meron lang kami, ibibigay niya talaga. Ganiyan siya kaba-it sa amin. Ang saya lang noon kahit simpleng pamumuhay lang kami. Pero 'yon nga lang..bihira kolang nakikita si kuya Geo na ngumingiti. 



Hindi katulad ngayon...



Pumasok kami sa department store at Dumiretso kami sa Women's section. Pinaupo niya ako sa may gilid tsaka siya ang pumili ng mga pajama doon na pambabae. Muling nagtitinginan ang mga kababaehan sa kaniya. Kahit ako napapangiti dahil may karga-karga pa siyang bata tapos namimili ng damit pambabae.



"Bel ito? Okay na sa'yo 'to?" Tanong niya kaya napakurap ako.



"P--Po? Kahit ano nalang kuya. Baka Mahal 'yan?" Sagot ko dahilan para mapangiti siya.



Sumenyas siya na lalapit ako kaya agad akong napatayo.




"Bakit p—"



"Mas okay na'to kaysa sa suot mo kagabi! Kunin mo na at pumila ka na d'on!" Pabulong niyang singit kaya natawa ako.



"Hahaha! Bakit ba Kasi?!" Natatawa kong sagot dahilan para matigilan siya sa akin.



Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now