Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 12
Briana's POV
Nagising ako dahil sa may tumalsik galing sa bintana..
Hindi ko namalayan na tanghali na pala at umuulan sa labas. Na pa upo ako at hinanap si Daryl, pero baka kanina pa siyang bumaba. Doon na ako natulala at biglang na alala ang mga nangyare kagabi. Sa tuwing na aalala ko 'yon ay muling kumikirot ang aking puso kaya nag umpisa nanaman akong na irita!
Bigla akong may na isip, and i guess this is the only way to forget all of this!!
Tumayo ako at lumapit sa mga suit case namin sa gilid ng pinto. Pinatong ko ito sa kama at nag umpisang mag impake. Ang bigat sa dibdib, na iinis ako kaya hindi ko nanaman namalayan na lumuluha nanaman ako!
"Shit!! Shit!! Stop crying!! Are you stupid?!" Inis kong sambit sa sarili.
Malinis ako sa mga gamit ko, hindi ako burara at tinutupi ko talaga ang mga damit ko pag nag liligpit, pero ngayon ay pinagsasalpak ko nalang ito sa bagahe.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto. Agad tumambad sa harap ko si Daryl habang gulat na gulat sa ginagawa ko.
"Hon? W--What are you doing?" Tulala niyang tanong sabay lapit sa harap ko.
Hindi ko siya pinansin dahil patuloy lang akong nag i-impake.
"Briana! What's going on?!" Muli niyang tanong sabay hawak sa kamay ko. Doon ko na siya tiningala.
"We're going home!! Gusto ko nang umuwi, Daryl!! So please pack your things!" Seryoso kong saad sa kaniya pero patuloy niya lang akong tinititigan. "Daryl!! Narinig mo ba ang sinabi ko?! Mag ligpit ka na dahil uuwi na Tayo!" Pag ulit ko.
Rinig kong humugot siya ng buntong hininga at lumapit sa akin.
"Bakit biglaan naman?! And as you can see, umuulan!" Sagot niya kaya napahinto ako sa aking ginagawa at tumayo ng tuwid.
"Dahil hindi na ako komportable dito! I'm tired, I'm...I miss my mom! So..please! Wag na maraming tanong at mag ligpit ka nalang!" Dahilan ko pa.
Hindi ko masabi sa kaniya kung ano ba talaga ang nangyare. Hindi ko masabi sa kaniya na it's about Geo. It's always been him! Siya talaga ang rason ko kaya gusto ko nang umalis sa lugar na'to! I don't care about my memories of him anymore! Parang wala naman sa kaniya 'e kaya bahala siya!
"Hon, look at me." Salita ni Daryl. Biglang sumeryoso ang tono ng kaniyang pananalita kaya napatingin ako sa kaniya. "May kailangan ba akong malaman?" Dagdag niya dahilan para biglang bumilis ang pag kabog ng dibdib ko.
"Anong dapat malaman? WALA! Wala akong ibang rason kundi si—"
"Si Geo?" Biglang singit ni Daryl kaya napatigil ako. Parang gusto kong umangal sa kaniya pero walang salita ang lumalabas sa aking mga bibig. "C'mon Hon, I'm not stupid enough to fall for that?! Matagal ko nang alam!" Dagdag niya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Anong alam—anong pinagsasabe mo?!" Inis kong sagot.
"I know that you're falling for him. Halata naman kasi masiyado." Seryoso niyang saad kaya mas lalo akong nagalit!
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AcciónPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...
