Chapter 35

159 16 21
                                    

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 35





Briana's POV

Alas singko na nang hapon at patapos na'ko sa aking ginagawa.

Sa sobrang dami ng meetings kanina ay nakalimutan ko nang kumain kaya ngayon nagmamadali na akong umuwi. Pakiramdam ko nahihilo na'ko dahil ang sakit nang noo ko at sa pagitan ng aking mga mata. Dahil din siguro ito sa kakatitig ko sa aking computer.

Isang araw na kaming hindi nakapag-usap ni Geo at sobrang miss na miss ko na siya. Parang gusto ko siya ulit yaya-in mag out of town para mag kita naman kami, pero iniisip ko rin ang trabaho kong babalikan kapag mawala lang ako ng isang araw.

Nakakainis!


Napapa-isip na'ko sa sinabi niya sa'kin na paraan. Parang iyon nalang talaga ang tanging paraan para mag sama kami kaya hinahanda ko na ang aking sarili kapag itutuloy na namin.

Biglang na baling ang aking atensiyon sa aking cellphone nang ito'y nag ring.

Si Daryl...


Hindi ko sinagot at hinayaan na matapos ang tawag.

Ilang sandali pa ay nag text siya...

Binasa ko nalang at ang sabi niya ay papunta siya dito dahil sundu-in niya ako.

Ilang segundo akong napatitig sa aking cellphone. Nagdadalawang isip kung mag rereply ba ako 'o hindi. Ayokong paghinalaan niya ako kaya kailangan ko talagang mag reply.

*Okay..* tanging sagot ko sa kaniya.


I cleared out my things at tumayo na. Akma na sana akong lalabas ng aking opisina nang biglang mag ring ulit ang aking cellphone. Noong tiningnan ko kung sino.


It was Geo.


Halos magkalaglag ang mga gamit ko sa pagmamadaling sagutin ang kaniyang tawag.

*Phone convo*

"H--Hello? Geo?!"

"Hi Bri..." Sagot niya dahilan para mapangiti agad ako.

"I've missed you!!" Tugon ko sabay buntong hininga. "Miss na miss na kita!"


"Namiss din kita, Briana...uhh--dungaw ka sa bintana mo."

Biglang kumabog ang dibdib ko.

"W--What?! Teka...."'

Mabilis akong nag tungo sa malaking glass window ng aking opisina. Mediyo palubog na ang araw at makulimlim pa ang panahon kaya parang malabo.

Pero noong may dumaan na sasakyan ay biglang natuon ang aking mga mata sa lalakeng naka tayo sa gilid ng poste. He was holding a bouquet of flowers and looking straight up to me.

"Awwww!! Ang gwapo naman nitong guy na'to!" Naka ngiti kong saad tsaka kumaway sa kaniya.

"How i wish i can hug you right now." Sagot niya.

Parang ma iiyak na'ko ngayon dahil gustong-gusto ko na rin siyang mayakap!!

"Geo, bababa ako!! Hintayin mok---"

"No.." singit niya.

Sobrang kalmado ng kaniyang boses at walang emosiyon.

"G--Geo..gusto kitang---"

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now