Operation NIGHTFALLWritten by Angelo
Chapter 33
Anabel's POV
Kaming dalawa lang ni Kenji ang hindi kumikibo habang naghahapunan. Parang nasayang ang outing na sana para sa amin at kay Kenji ang araw na'to. Hindi ko alam kung anong nangyare, siguro dahil sa harap-harapan kong nabanggit si Matteo sa kaniya kaya ganito siya. Kilala niya ba si Matteo? May alam ba siya tungkol sa kaniya?
Hindi na ako kinukulit ni Kenji. Tahimik lang siya at seryoso katulad ng usual niyang ginagawa. Sumasagot naman siya kapag kinakausap ni ate Briana 'o ni kuya Geo, pero pag dating sa'kin, wala na.
Ni hindi nga niya ako madapu-an ng tingin. Kahit sulyap wala na talaga. Umiiwas siya at tinututok ang atensiyon sa ibang bagay. Pero kapag sumisigaw si Matty at nagpapapansin sa kaniya ay hindi niya ito ma iwasan. Sinusubu-an niya pa nga ito ng hotdog at kanin.
"So kenj, anong pakiramdam dahil malaya ka na?" Tanong ni ate Briana habang kumakain.
Pasimple akong sumulyap sa kaniya. Naka Yuko lang siya sabay ngumiti ng bahagya.
"Okay lang..." Ma inam nitong sagot sabay buntong hininga.
"Hindi ka ba masaya? I mean, kasama mo na ang kuya mo tapos--"
"Hindi pa kami bati niyan." Singit nito dahilan para mapangiti si kuya Geo.
"Ahhhh..hindi bati. Ano ba kayo grade three? Walang bigayan ng ba-on? Walang hiraman ng papel kasi hindi pa kayo bati?" Naka ngiting saad ulit ni ate.
Umiling lang si Kenji sabay lagok ng beer. "Tss..parang gan'on." Sagot nito.
"Hahaha! Well, ako I'm happy for the both of you! Alam mo ba na mas pinili ka ng kuya mo kaysa sa'kin??"
Biglang napahinto si Kenji sa kaniyang ginagawa at dahan-dahang napatingin kay ate Briana. Kahit ako ay nagtaka kung anong ibig niyang sabihin.
"Yes you heard me. Mas pinili ka niya kaysa sa'kin!" Giit pa ni ate Briana sabay pasimpleng pumaling kay kuya Geo na kunwari walang naririnig. "In exchange for your freedom, he made a deal with my dad. Ang kapalit n'on ay ang iwasan ako at hindi na magpakita sa'kin."
Nambilog ang mga mata ni Kenji at pagkatapos ay pumaling siya kay kuya Geo.
"Stupid!! Bakit mo naman ginawa 'yon?!" Inis nitong tanong sa kapatid.
Hindi sumagot si kuya Geo at basta nalang may nilapag na folder sa gilid ni Kenji.
"There's your documents. You're a free man now, Kenny." Panimula ni kuya Geo sabay bukas ng beer at binigay kay Kenji. "Malaya ka na at magagawa mo na lahat ng gusto mo."
Akama sanang hahawakan ni Kenji ang folder pero biglang pinatungan ito ni kuya Geo ng kaniyang kamay.
"But!! If you ever!! IF YOU EVER go back to your old job again....." Napahinto siya sabay paling kay Kenji at tinitigan ito ng masama. "I will not go easy on you next time! Nagkakaintindihan ba tayo?"
Kitang-kita ko kung paano napalunok si Kenji at dahan-dahang tumango sa kuya niya.
"Good! Pag uwi na pag uwi natin, ililipat ko na sa'yo ang titulo nang bahay. Iyan ang gusto ni Anabel kaya susundin ko." Muling saad ni kuya Geo.

YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AksiPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...