Operation NIGHTFALLWritten by Angelo
Chapter 9
Briana's POV
Naka dalawang island na kami ngayon.
Everything here is breath taking talaga. The ocean, the beach, the locals, the place itself is definitely a Paradise.
So far so good ang pag to-tour namin. Sinunod namin ang bilin ni Geo kaya smooth sailing lang talaga kami. We're on our third island at nandito kami ngayon sa beach front. Dito mediyo walang maraming tao kaya malaya ang mga girls sa kanilang ginagawa. Nag su-surfing sila ngayon, mag re-rent kalang naman ng surf board dito sa mga locals and then you're good to go. Libre na rin ang pagtuturo kasi ang baba-it nila.
Kami ni Daryl ay naka upo lang sa sand facing the beauty of the sea. Nag-uusap ng Kung ano-ano. He was talking about his job na ganito ganiyan, he is planning to quit his job at mag a-apply daw siya international. I really don't get it. Ang ganda na ng trabaho niya, malaki din ang sahod niya, may mga vacation leave siya na pwede niyang gamitin anytime, At marami siyang time sa akin. Hindi ko ma intindihan kung bakit kailangan niya pang umalis d'on.
"Na abot ko na ang pangarap ko, Hon. Para sa'kin sapat na 'yon para huminto." Saad niya habang nagtatapon ng bato sa tubig.
"You know you have the potential, Daryl. Pinopromote ka na ng Superior mo to be chief army pilot bakit hindi mo nalang tanggapin 'yon?" Sagot ko sa kaniya pero napangiti lang siya.
"C'oz I like to try new things?!" Sagot niya sabay hinawakan ang kamay ko. "Trust me on this okay? Kukunin kita kapag natanggap ako sa Chicago." Dagdag niya.
"Sus! Pag nag salita ka akala mo papayagan ako! Hahaha! I love my job Daryl, alam mo 'yan. Paano nalang ang mga tao ko sa office?" Sagot ko sa kaniya.
May advertising company kasi kami sa manila. Partner ko ang tatlo kong mga kaibigan kaya hindi ko pwede iiwan sa kanila ang lahat. In the first place, ako mismo ang CEO ng company namin kaya paano nalang 'yan kapag sasama ako sa kaniya??
"We'll figure that one out kapag nakabalik na Tayo. Marami pa tayong pag-uusapan pero ngayon mag enjoy muna tayo. You need this diba?" Naka ngiti niyang saad kaya napangiti ako at tumango.
Ilang sandali pa ay umusog si Daryl sa akin. Lumapit pa siya ng konte at hinaplos niya ang pisngi ko. Alam ko na ang kasunod nito kaya pinikit ko na ang mga mata ko. Alam kong he's about to kiss me.
Pero...
Biglang bumusina ang ferry boat.
"Damn!" Sambit ni Daryl sabay iling at natawa. "Ang galing ng timing ni kapitan!" Bulaslas niya sabay upo ng tuwid.
Napakagat ako ng labi at hinga ng malalim. Ang galing nga talaga ng timing niya. Well, bumubusina nga siya kapag kailangan na namin umalis, pero bakit everytime na mag lalambingan kami ni Daryl ay na ta-timing niya talaga!
Chill lang si Geo the whole time nang pag to-tour namin. He never talk, laugh, or speak to any of us. Kapag dumating kami sa isang place ay ibababa niya lang ang hagdan then that's it. Bibigyan niya lang kami ng ilang oras to enjoy and then bubusina na siya. That's the sign na kailangan na kami umalis. Ang huling sinabi niya lang kanina ay kapag tumagal kami hindi daw namin mapupuntahan ang ibang mga Isla. He's our tour guide so we need to follow what he said.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AcciónPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...