Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 4
Tanghali na noong maka balik kami ng hamtik.
Gusto pa kasing maligo ni Anabel kanina kaya sabi ni Geo pagbigyan nalang. But this morning was different. What i mean is si Geo. Nand'on pa rin ang pagka seryoso niya. Bihira lang ngumingiti pero kinakausap niya na ako. Like tinanong niya ako kung kamusta yung tulog ko, anong gusto ko for breakfast, kung maliligo pa ba daw ako, mga ganiyan. Small talks but worth it naman para sa'kin.
At noong aakyat na kami sa barko ay binalikan niya talaga ako sa tabing dagat at binuhat! Siyempre mediyo kinilig din ang ate niyo aba! Minsan lang may gumaganito sa'kin kaya nakakatuwa lang.
Like always, tahimik lang siya noong bumabyahe, sinabihan niya si Matteo na kung pwede siya muna ang mag mamaneho sa barko dahil sinamahan niya ako sa labas. Para siyang tour guide kanina. Tinuturo niya ang mga maliliit na isla na kaniyang napuntahan. Sabi niya one of this days daw dadalhin niya kami ni Anabel sa isang lugar na paborito niyang puntahan kaya na excite nanaman ako.
I'm beggining to love the place. Dahil sa mga kinikwento ni Geo ay parang gustong-gusto niya talaga ang lugar na'to. Maliban nalang kasi sa mga bandido at NPA sa lugar. Kung wala daw ang mga 'yon, payapa talaga ang hamtik. Sinabihan niya rin ako kanina na mag hintay lang dahil sisiguraduhin daw niya na makakauwi ako sa amin.
Bigla akong nalungkot sa mga oras na 'yon. Wala lang, hindi ko rin ma explain kung bakit.
Pagkatapos nila maipasok ang mga gamit sa bahay ay nag paalam muna sila na lilinisin ang kanilang barko. Sa makalawa daw kasi ay aalis nanaman sila. Na i-kwento niya rin sa'kin ang kanilang trabaho. At first nagulat ako dahil nga illegal. Anytime pwede silang mahuli at makulong pero habang hindi pa naman daw ay hindi sila hihinto. Alang-alang daw ito sa pagpapaopera ng mata ni Anabel. Kapag ma operahan na daw si Anabel ay titigil na sila at lilisanin ang lugar na'to.
The question is, when?
"Mamayang hapon pupunta tayo ng bayan." tugon ni Geo.
"Anong gagawin natin d'on?" tanong ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kailangan mo yata ng mga damit." sagot niya kaya bigla akong nahiya.
Bakit may problema ba sa suot ko? Okay naman 'to a? Bakit kailangan niya pang dagdagan??
"Kuya, sira na pala ang isa nating kaldero, bili ka nalang pwede ba?" singit ni Anabel.
"Sige, mamaya nalang." sagot niya sabay talikod at susunod na sana kay Matteo.
"Uhhh--Geo sandali!" Pag pigil ko sa kaniya kaya napalingon siya. "May alam ka ba sa bayan na pwede akong makatawag? Gusto ko sanang tawagan ang—"
"Oo." singit niya.
Ito nanaman siya, siningitan niya nanaman ako.
"Isa rin 'yan sa mga rason kung bakit luluwas tayo ng bayan, para maka tawag ka sa pamilya mo." muling saad niya kaya agad akong napangiti.
"Thank you!! Thank you talaga!!" sigaw ko sa tuwa sabay lapit at yayakapin sana siya, pero Pareho kaming natulala sabay iwas ng tingin.
"Uhh--Sige..." (Geo)
"Uh--Geo!!" pigil ko nanaman sa kaniya kaya napalingon nanaman siya.
"Oh?" (Geo)
"Hindi ba muna kayo kakain? Lunch time na." tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/269182204-288-k870422.jpg)
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...