Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 26
Anabel's POV
"BROTHER?!! Wait...kapatid ka ni Geo?!" Bulaslas ni ate Briana.
Tahimik lang ako pero parang hindi rin ako makapaniwala na may kapatid pa si kuya Geo. Sa tagal naming pagsasama ay ni minsan hindi niya na banggit na may natitira pa sa kaniyang pamilya. Akala ko talaga mag-isa lang siya at ang pagkakaalam ko ay wala na siyang mga magulang.
Ngayon bigla nalang susulpot ta at sasabihin niyang kapatid siya ni kuya Geo?!
"Hoy! Tinatanong Kita!" Iritadong saad ulit ni ate Briana.
Hindi siya pinansin ng Kenji na 'yon dahil nilapitan niya si Alyson. Nag pupumiglas na si Alyson at gustong mag salita ngunit may naka tali sa kaniyang bibig. Ilang sandali pa ay may kinuha si Kenji na kutsilyo sa kaniyang bulsa.
Dahil d'on ay nagmadali akong tumayo.
"Please!! Wag mo siyang saktan!"
Agad siyang napatingin sa akin at kapansin-pansin ang walang emosiyon niyang mukha. Habang tinititigan ko siya ay parang na aalala ko ang mga mata ni kuya Geo noon noong na sa Siargao kami.
Ang lungkot, At Parang may mabigat na dinadalang damdamin.
"Tss...kung gusto ko siyang saktan sana kanina pinatay ko na 'to!" Supladong sagot ni Kenji.
Kasunod n'on ay bigla niyang pinutol ang mga lubid na naka tali kay Alyson.
"Sorry, no heart feelings!" Sambit niya ulit tsaka tumayo.
Nagmadaling humugot ng baril si Alyson at itinutok ito kay Kenji kaya muli nanaman akong natakot.
"Umalis ka na dito!! Alis!!!" Sigaw ni Alyson.
Ngumisi lang si Kenji at inilapitniya ang kaniyang ulo sa dulo ng baril ni Alyson.
"Shit!! Hey! What the hell are you doing?!" (ate Briana)
"Sige na?! Iputok mo nga 'yan? Dito! Dito!! Ayan!" Pabiro niya pang saad dahilan para manginig ang mga kamay ni Alyson.
"Last chance!! Wag mo'kong pilitin!" Banta naman ni Alyson.
"Alyson, calm down. Wag natin paabutin sa ganito, please." Kalmadong tugon naman ni ate Briana sa kaniya.
"Tss! Kayo talagang mga sundalo ang yayabang niyo!" Bulaslas ni Kenji sabay alis sa harap ni Alyson.
Nag lakad siya sa gitna ng sala at huminto kung saan may malaking painting ng lalakeng naka uniporme. Sabi ni kuya Geo noon, Iyon daw ang tatay nila. Tinititgan niya ito masakit. Umigting ang kaniyang bagang at pagkatapos ay bigla niya itong hinila!
Sinira niya ang buong painting! Pinunit niya ang tela at pagkatapos ay nagulat nalang kami noong lumantad ang isa pang painting sa likod n'on!
Kasunod n'on ay dahan-dahan nang may gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi. Muli niyang ibinalik ang painting kung san niya ito kinuha at pagkatapos ay nilingon niya si ate Briana.
"Ayan ang sagot sa tanong mo!" Kunot noo niyang saad.
Ako, si ate Briana, at si Alyson ay tulalang napatitig doon sa painting habang dahan-dahang lumalapit.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AçãoPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...