Chapter 2

304 19 17
                                        

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 2







"Anong pangalan mo?!"

"Saan ka naka tira?"

"Bakit ka kinidnap?"

"May kasalanan ka ba?"

Ito ang mga sunod-sunod na tanong sa akin ni Matteo.

Nandito na kami ngayon sa isang bahay hindi kalayu-an sa dinaku-an ng kanilang barko. Mediyo tago at wala masiyadong tao sa paligid. Malinis at hindi makalat ang loob ng bahay, everything is in order. Hindi siya gan'on kaganda pero ang linis talaga ng loob. Maganda ang view sa labas dahil kitang-kita ang kagandahan ng karagatan, at makikita mo agad ang pag busilak ng araw.

Katulad ngayon...

Parang malalaglag na ang mata ko sa antok pero gising pa ang diwa ko. Siguro dala pa rin ito ng trauma na sinapit ko kanina. Pagkatapos ng lahat na nangyare kanina ay si Matteo ang nag linis sa buong barko. Habang tulala akong naka upo sa sahig ay inasikaso niya ang lahat. Pinaghahagis niya ang mga katawan ng mga bandido sa kanilang bangka at sinunog niya ito. Nilinis niya ang buong barko na parang walang nangyare. Nakakatindig balahibo! Sino ba sila?! Ano ba sila at parang wala lang sa kanila ang pumatay ng tao?!

"Miss? Ano na?" Muling saad ni Matteo kaya napakurap ako.

"A--Ano nga 'yon?" sagot ko dahilan para mapahilamos siya.

"Maryosep!"

Kahit tulala ako at wala sa wisyo ay masasabi kong maba-it ang lalakeng 'to. Siguro mga na sa edad 24-26 years old siya, gwapo, Maamo ang kaniyang muka, matangkad at matipuno ang katawan.

Agad akong pumaling sa lalakeng naka higa sa sofa at mahimbing ang tulog.

Hindi katulad sa taong 'to! Mukang kambing sa haba ng kaniyang bigote at balbas! Ang haba rin ng kaniyang buhok at ang baho niya! As in amoy suka na panis, mygad! Kahit anlakas ng hangin dito sa loob ng bahay ay nasisinghot ko pa rin ang amoy alak niyang hininga! Yuck!! As in kaderder talaga!

"Miss! Please lang, sabihin mo na sakin kung bakit ka gustong kunin ni Saleem?"

Doon ko na binalik ang tingin kay
Matteo.

"I was kidnapped in malaysia! Nag babasyon kami ng pamilya ko noong ako'y dinukot." napatigil ako at na pa yuko sa sahig. "Hindi ko alam kung bakit nila ako dinukot sa totoo lang." dagdag ko.

"Wala ka bang ibang ma isip na dahilan?" Muling tanong ni Matteo.

"W--Wala talaga..." tanging sagot ko sabay hugot ng buntong hininga. "Can i ask you something?" Ngayon ako naman ang nag tanong kay Matteo.

"Ano 'yon?"

Agad akong napatingin sa lalakeng tinatawag niyang Geo.

"Him! Tell me something about him. Paano nangyare 'yon? Is he normal? Or what?" tanong ko dahilan para ma pa upo ng tuwid si Matteo at pumaling din kay Geo.

"Kung ma i-susulat lang ang buhay niya, hindi kaya ang dalawang libro sa dami ng kaniyang pinagdaanan." panimula niya sabay balik tingin sa akin. "Isa ka na ngayon sa nakakaalam ng kaniyang sekreto, kaya kung gusto mo pang humaba ang iyong buhay....wag na wag mo itong ipagsasabi kahit kanino." dagdag niya.

Biglang bumilis ang pag kabog ng aking dibdib. Sa totoo lang, natakot ako sa sinabi niya. Umiba ang boses niya at punong-puno ito ng pagkaseryoso.

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now