Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 18
Anabel's POV
*7 years ago...*
Limang taong gulang palang ako noon noong nawala ang aking paningin. Isang matinding lagnat ang pinagmulan na muntikan ko nang ikamatay. Noong gumaling ako, dumilim na ang lahat. Akala ko gabi lang ang mga oras na iyon, pero noong marinig ko ang boses ni tatay ay doon na ako napaiyak.
Sa murang edad ay maaga akong na sipak sa ibang mga bata. Wala akong naging kalaro, 'o naging kaibigan. Hindi rin ako makapasok sa eskwelahan dahil sa kundisyon ko, at lalong-lalo na ay wala kaming sapat na pera para doon. Pero kahit ganito ang aking naging kapalaran ay hindi ako nagalit sa mundo. Nagpapasalamat nalang ako dahil kahit bulag ako ay hindi naman ako nag kulang sa pagmamahal. Nandiyan si tatay at sapat na sa akin 'yon.
Lumipas ang mga taon at na sanay na ako sa aking kundisyon. Natutunan kong gamitin ang iba kong pakiramdam para mabuhay ng normal. Nakakapagluto, nakakapaglaba, linis, at matalas ang aking pandinig at pang amoy.
Sa edad na dalawampung taong gulang ay natutunan kong mahalin kung anong meron sa akin. Sinikap kong maging matatag para sa amin ni tatay. Ang tanging inaalala kolang ay hindi tatagal at iiwan din ako ng aking ama. Kahit hindi niya sinasabi sa akin pero alam kong may tinatago siyang karamdaman.
Naririnig ko ang malubha niyang ubo tuwing gabi. Palagi niyang dinadahilan ay kumakati lang daw ang kaniyang lalamunan. Ang hindi niya alam....alam ko ang amoy ng dugo sa tuwing dinudura niya ito sa lupa.
Hindi ko alam kung ilang oras, araw, buwan, 'o taon nalang ang itatagal ni tatay. Pinapanalangin ko nalang sa diyos na sana bigyan niya ako ng tamang panahon para mapagplanohan ang lahat.
Hanggang sa dumating ang Isang araw..
Masarap ang simoy ng hangin noong panahong Iyon. Magtatakip silim na at hinihintay ko si tatay sa ilalim ng puno sa labas ng bahay. Na sisinghap ko na ang amoy ni tatay habang papalapit siya.
Pero...
May iba akong na aamoy. Napatingin ako sa kanilang dereksiyon dahil alam kong may kasama siyang papalapit sa akin.
"Tay..." Sambit ko.
"Ang galing talaga ng pang amoy mo, anak. Mabaho na na ako?" Pabiro niyang sagot dahilan para mapangiti ako.
"Hindi po ikaw ang na aamoy ko." Sagot ko.
Natahimik siya ng ilang segundo bago mag salita ulit.
"Anabel, may mga kasama ako ngayon." Panimula niya tsaka nilapitan ako at hinawakan niya ang aking kamay. "Nakita ko sila sa pang-pang at wala silang matutuloyan ngayon." Dagdag niya.
Pumaling ako kung saan ang dereksiyon ng mga kasama niyang na aamoy ko.
"Magandang gabi po." Naka ngiti kong bati sa kanila.
Alam kong hindi lang isa ang kasama ni tatay. Dalawang nilalang ang nararamdaman ko. Mabigat ang kanilang pag hinga at halatang pagod na pagod sila kung saan man sila nanggaling.
"Magandang gabi." Sagot ng isa.
Bilog na bilog ang kaniyang boses. Matikas at halatang malaking tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/269182204-288-k870422.jpg)
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...