Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 36
3 DAYS LATER....
Briana's POV
"ISTUPIDA!!!"
Halos mawalan ako ng malay sa lakas nang sampal sa'kin ni Daddy.
"Tama na!! Wag mong saktan ang anak ko!!" Sigaw ni mommy at humarang siya sa harap ko.
"Umalis ka diyan!! Bakit mo kinakampihan ang g*gang "yan?!!" Muling sigaw ni daddy tsaka hinila niya si mommy palayo sa akin. "WALA KA TALAGANG KADALA-DALA!! Hindi mo ginagamit ang utak mo!!"
Hindi na'ko sumasagot at minabuti ko nalang na depensahan ang aking sarili.
Hinila niya ako patayo. Ang sakit nang pag bitin niya sa aking braso pero iniinda kolang ang aking nararamdaman.
"ANO NALANG ANG SASABIHIN NILA?! HA?! SINONG MATUTUWA SA GINAWA MO?! Ang tanga mo, Briana!! Ang tanga mo!!"
Hingal na hingal siya sa pag a-alboroto niya sa galit. Alam kong magagalit siya. Alam kong ito ang mapapala ko dahil sa balitang sinabi ko sa kaniya. Wala na akong itatago, hindi na ako magpapa-iway.
Napahawak siya sa kaniyang noo at na pa iling. Sunod n'on kumuha ulit siya ng bwelo para sampalin ako, pero laking gulat niya nang bigla akong tumayo at inilapit ang mukha ko sa kaniya.
"Sige dad saktan mo pa ako." Walang emosiyon kong tugon sa kaniya. "Kahit anong gawin mo sa'kin, hindi ko na mababawi ang sinabi ko."
Mas lalo lang umigting ang bagang niya dahil sa sinabi ko. Kinuha niya ang binigay ko sa kaniya kanina at marahas niyang hinampas sa sahig.
"You will never leave this house!! Walang sino man ang dapat makakaalam nito, kahit si Geo!!" Seryoso nitong saad.
Ilang sandali pa ay nag ring ang kaniyang cellphone. Humugot muna siya ng buntong hininga bago ito sinagot.
"WHAT?!!" Pasigaw nitong sagot sa kabilang linya. "Now?! Bakit?! Ano nanaman ang binabalak nito." Napahinto siya sabay hawak sa kaniyang noo. "Okay papunta na'ko!"
Agad niyang pinutol ang tawag sabay kuha ng kaniyang uniporme.
"Hindi pa Tayo tapos, Briana!" Bulaslas niya sa'kin. "Uulitin ko...hindi ka makakalabas dito sa bahay!!" Dagdag niya sabay paling kay mommy. "Kapag malaman kong kinunsinte mo nanaman ang anak mo, TATAMAAN KA SA'KIN!!" dagdag niya at tuloyan nang nilisan ang kwarto.
Noong wala na siya ay doon na ako napahagulhol. Nilapitan agad ako ni mommy at niyakap.
"I'm so sorry anak." Bulong nito sa akin habang hinahaplos ang likod ko.
"M--Ma, I love him!!" Na utal kong sambit habang patuloy sa kakaiyak. "Mahal ko si Geo, Ma! Mahal na Mahal ko po siya!!"
Maya-maya pa ay humigpit ang pag yakap sa'kin ni mommy at inalalayan niya akong maka upo.
"You need to calm down. Masama sa kalagayan mo ngayon ang ma stress. Let me talk to your father okay? Kakausapin ko siya ulit tungkol dito." Sagot nito sa'kin tsaka pinahiran ang mga luha sa aking pisngi.
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
AksiPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...
