Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 34
Anabel's POV
Kanina pa tahimik si Governor habang tinititigan ang larawan ni Matteo na pinakita ko.
Iyon lang kasi ang natitirang larawan na hawak ko sa kaniya. Binigay niya ito noon noong na sa hamtik pa kami. Sabi niya, itago ko daw ito dahil balang araw kapag nakakakita na ako ay may remembrance ako sa kaniya. Ito ang mga panahon na gusto na sana nilang umalis ni kuya Geo. Hindi lang natuloy dahil namatay si tatay.
Nakakalungkot man dahil sa larawan ko nalang na abutan si Matteo. Ni hindi ko manlang siya nakita. Kung paano siya ngumiti, kung paano siya tumawa, kung paano niya ako titigan at sinabihan noon na pakakasalan pag dating ng panahon.
Mga pangakong hindi nangyare dahil sa masaklap na tadhana.
Pero ngayon habang kaharap ko ang ama niya ay natutuwa din ako. Kahit paano ay nalaman ko na hindi siya nag iisa sa mundong ito.
"He has her mother's eyes." Naka ngiting salita ni Governor at pagkatapos ay napatingin siya kay Matty na kinakarga ni Kenji hanggang ngayon. "And now, that little one has their eyes!" Dagdag niya sabay ngiti.
Ilang sandali pa ay binalik niya na sa'kin ang larawan ni Matteo. Umupo siya ng tuwid at hinarap na ulit kami.
"May mga katanungan ka ba, hija?" Tanong niya sa'kin.
Natigilan ako ng ilang segundo.
Mga tanong? Hindi ko alam kung anong uunahin.
"Kahit ano, sige mag tanong ka." Muli niyang saad kaya napalunok ako.
"S--Sir, gusto kolang po malaman...bakit hindi niyo siya hinanap?"
Tumango lang si Gov tsaka napayuko. Siguro inaasahan niya rin ito, pero habang naka Yuko siya ay parang nag aalinlangan ang mga mata niya para sagutin ang tanong ko.
"Nakilala ko si Samantha noong sumasama pa ako kay Papa sa campaign niya for mayor." Panimula niya. "She was a mascom student at pumunta sila sa Siargao para sa kanilang documentary thesis. Ang candidacy ang kanilang theme so my father assigned me to give them the details. Mediyo delikado pa noon dahil may malakas na kalaban ang ama ko kaya sa amin sila tumuloy. I showed them around, we gave them a tour and to make the story short...nahulog kami sa isa't-isa."
Huminto siya ng ilang segundo at humigop ng kape.
"Ang Isang linggo nila sa isla ay parang Isang taon na para sa'kin. I was happy when I'm with her so by the time that they needed to go back.....sumama ako." (Gov)
Nagkatinginan kami nila kuya Geo at Kenji. Sumama? Ibig sabihin, sumama siya pabalik dito sa manila?
"Dito ko nalaman that she was an orphan. Matalino kaya naging scholar sa Isang university. Nag sumikap para sa pangarap na magkaroon ng magandang buhay kaya mas lalo akong humanga sa kaniya. We were young and reckless so nag pa secret marriage kami. Sabi ko tutuparin ko ang mga pangarap niya at sasamahan siya habang buhay." Bigla siyang napahinto at napayuko. Umigting ang bagang niya at kumuyom ang kaniyang dalawang kamay. "But our path was cruel. My father was a powerful man in his time. I was his successor kaya kailangan Niya ako. Pinahanap niya kami at noong nangyare 'yon ay pinaghiwalay niya kami ni Samantha. They Forced her to sign the annulment papers at iniwanan ng pera para wag na akong gambala-in. That was the last time that i saw her...."
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...
