FINALE

218 20 19
                                        

Ps. Basahin mabuti dahil nakakalito


Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

"Finale"





Kenny's POV




"SIR!!" bati ko sabay saludo sa commanding officer nang hamtik. "I'm Sergeant Kendrick Jimson Dela Vega, SIR!!"



Agad siyang napangiti at nilapitan ako.




"Magkamukha nga kayo ng kapatid mo." Sagot niya sabay kusa niyang binaba ang kamay ko. "I'm captain Rico. Hali ka.." dagdag niya.




I've never been to this place. Ang alam kolang ay dito ang home town ni Anabel at dito sila unang nagkakilala ni Geo. Pero ang kampo nato ay kakaiba. Sa liblib at di masiyadong kilalang kampo ay napaka advance naman yata nang mga kagamitan nila dito. Para din itong camp Langley.



Habang naglalakad kami sa loob ay dito ko napansin ang kagamitan nilang pang digmaan. Mas marami ang kanyon nila, the aircraft cannons and the KPV battle ship gunner nila ay sobrang makabago at meron pa silang mga battle tanks. Amazing!




"Siguro naman alam mo na kung bakit ka pinapunta dito ng kapatid mo?" Biglang salita ni Rico.




"Uhh--not quite sure, sir!" Napahinto ako at hinarap siya. "Aren't you worried captain? Nandito na ang mga kalaban. They've trashed camp langley in a single blow, they've killed my father and now they also took my brother! We need to---"



"Relax kid... we've been planning this the whole time." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko.



Planning the whole time??




"H--Hindi ko ma intindihan sir." Giit ko pa.




"Alam mo, sa pagkakilala ko sa kapatid mo...hindi 'yon susugod sa Laban nang walang plano. Tingnan mo ang buong paligid." Utos niya kaya inikot ko ang aking paningin sa buong lugar. "Wala ka bang napapansin?"




Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Kagaya kanina ay puro mga---TEKA.




May napapansin akong mga kalalakihan na hindi naka uniporme. Kakaiba ang mukha nila at halatang hindi sila mga sundalo.




"S--Sir, sinong mga---"




"Mga NPA ang iba dito." Singit niya.




Mabilis akong napatingin sa kaniya. Tama ba ang narinig ko?! Mga NPA??



"NPA?!!"




"Tama ka, mga NPA!" he paused and look at the men helping the soldiers preparing some barricades. "Hindi ko alam kung na kwento ni Geo sa'yo noon ang nangyareng ingkwentro laban sa naghahari-harian na si Abdul Saleem? Dahil sa kapatid mo, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga militar at NPA para matalo namin silang lahat. Siya ang nanguna para magkaisa ang buong bayan na ito." Napahinto ulit siya habang nakangiti at pumaling sa'kin. "Malaki ang utang na loob nang bayan na'to sa kaniya. Simula kasi noong araw na'yon ay wala nang na i-talang ingkwentro nang mga NPA sa mga militar. Naging mapayapa na kami dito at nagkakaisa."





T*ngina, nanindig ang mga balahibo ko.




"Dito ang huling laban, Sarhento. Dito natin sila patutumbahin at sisiguraduhin natin na nagkamali sila nang bansang kinakalaban!"




Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now