Chapter 27

152 17 23
                                        

Operation NIGHTFALL


Written by Angelo


Chapter 27







Anabel's POV




"KENJIIIIIIIIIIIIIIIIII!!! AAAAAAAHHH!!! ANG KENKEN KOOOOOOOO!!!"


Na pa balikwas ako sa kama noong may sumigaw sa labas! Rinig na rinig sa buong bahay ang kaniyang hiyaw pati ang mga yapak ng kaniyang tsinelas.


May yumakap sa akin sa bewang kaya napatingin ako sa kaniya.


Si ate Briana pala.


Hindi ko na siya naramdaman na dumating kagabi. Mukhang pagod siya dahil hindi niya manlang narinig ang sumigaw sa labas.


Dahan-dahan akong tumayo at nag ayos. Inayos ko rin ang kumot ni ate Briana at ni Matty bago lumabas ng kwarto.


Noong pagkalabas ko ay agad bumungad sa harap ko si Manang Lusing na Parang tuko kung makayakap kay Kenji.


"Tsk! Lusing ano ba?!" Reklamo pa nito dahil hindi siya makagalaw.


"KEN!! JUSKO, KENJI, UMUWI KA NGA!! JUSKO SALAMAT SA DIYOS!!" umiiyak nitong saad habang yakap-yakap pa rin si Kenji.


"Lusing, duduraan Kita!!" (Kenji)


Doon na napabitaw si Manang Lusing tsaka hinampas ang balikat ni Kenji.


"Ikaw talaga kahit kailan nalang! Hahaha!" (Lusing)


"Uhhn--Good morning po!" Singit ko sa kanila.


Sabay silang napatingin sa akin at nagulat dahil hindi pala nila ako napansin mula pa kanina.


"Ay ma'am Anabel, good morning po!" Bati ni Manang Lusing tsaka lumapit sa'kin. "Kilala niyo na po ba yung kapatid ni Geo?! Siya si Ken—"


"Kenji, haha! Opo nagkakilala na kami." Singit ko sa kaniya sabay paling kay Kenji. "Ang ganda nga ng pagpapakilala niya sa'min eh!" Dagdag ko.

Na pa iling nalang si Kenji sabay iwas ng tingin.


Nilagpasan ko nalang sila dahil magluluto pa ako, pero bigla akong hinabol ni Manang Lusing.


"Ay may dala akong Manok at tsaka mga gulay galing probinsiya. Ipagluluto ko kayo ha? Diyan kalang!" Aniya tapos pinaupo niya ako sa lamesa.


"Ken! Hali ka dito! Ipagtimpla mo ng kape si Ma'am Anabel!" Sigaw niya kaya nagulat ako!


"Hahahaha! Nagbibiro ka ba?!" Bulaslas naman ni Kenji!


"Po?! Na'ko hindi na po! Kaya ko naman po mag—"


"Ay na'ko hija, maba-it 'yang si Ken! Manang-mana 'yan sa mama nila. Alam mo ba na—"


"Lusing!! Tsk! Shakanang teteng naman eh!!" Singit ni Kenji tapos padabog siyang lumabas ng pinto.


Pinipilit kong hindi matawa sa kanila. Pasimple ko nalang na tiningnan si Kenji na lumabas tsaka nag pull ups nanaman doon sa garahe.


Muli ko nanaman nakita ang mga peklat niya sa katawan kaya na isipan kong tanungin si Manang Lusing.


"Manang? Ilang taon ka na po bang nagtatrabaho dito sa kanila?" Tanong ko habang nag lilinis siya ng gulay.


Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now