Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 24
*Heathro Airbase*
1 hour before departure
Geo's POV
Kaharap ko ngayon 22 na mga sundalong hawak namin. Katabi ko si Sebastian at si Nikky. Si Major Tamsac naman ay na una na siya sa loob ng eroplano. Kailangan ko na silang ma debrief bago pa kami lumipad dahil mula dito ay dederecho na kami sa Zindaque.
I can see that they're tired, and scared at walang ka alam-alam sa sitwasyon. Hindi ko pa nga alam kung ano ang magiging reaksiyon nila kapag sasabihin ko na ang totoong misyon. Pero this is what they've been trained for. They have the adapt in any kind of situations!
"Listen up!!" Sigaw ko dahilan para lahat sila napatingin sa akin. "This is a rescue operation! Two teams will be deployed and some of you will be under Captain Daniels." Panimula ko. Ang iba nag bulong-bulongan na. Umusog ako kay Sebastian at inakbayan siya. "Lieutenant Coronado will be your commanding in charge. He will be handling half of the squad under Daniels of course."
Biglang nagulat si Sebastian at hinarap ako.
"Pero sir! Akala ko ba sa inyo ako—"
"Hindi ko ibibigay ang buong tropa kung wala ka doon!" Seryoso kong singit sa kaniya. "There's no one there i can fully trust but you!" Dagdag ko.
Halatang hindi siya sang-ayon dahil nag igting ang kaniyang bagang. Umiling siya at umiwas ng tingin.
"Take care of our soldiers, lieutenant!" Bulong ko at agad naman siyang tumango.
Pagkatapos n'on ay muli kong hinarap ang mga tropa. "Expect the unexpected! Remember your trainings! If you conquer your fear, you will conquer all! All of you will be my eyes out there, so i expect each and everyone to do their job!! Are we clear?!"
"SIR YES SIR!"
Sinakop ang buong airfield ng kanilang sigaw. Hindi ko alam kung tama ba ang kaunting speech ko na 'yon pero halatang wala naman sa kanila ang nag aalinlangan.
"Proceed to your aircraft! Magkita-kita ulit Tayo sa Zindaque!"
Agad silang nag hiwalay. Ang kalahati ay sumama sa eroplano kung saan sina Captain Daniels at ang iba naman dito sa eroplano namin.
Napansin kong may na iwan na limang naka Tayo sa gitna. Agad silang lumapit pagkatapos silang tawagin ni Sebastian.
"Sir, ito na ang pinahanap mo." Tugon niya.
Isang lalake lang ang nakilala ko at iyon ay si Cruz.
"They're just kids, Geo." Bulong ni Nikky. "Sasama ako sa'yo." Dagdag niya kaya dali-dali ko siyang hinarap.
"No you're not!" Singit ko.
"Hahaha! You can't order me to—"
"I need you on that base, Nikky!" Muli kong singit. "Hindi kakayanin ni Tamsac ang pag handle doon kung wala ka."
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...