Chapter 8

148 16 19
                                    

Operation NIGHT FALL

Written by Angelo

Chapter 8




Anabel's POV

*Flashback

2 YEARS AGO....

Sa maliblib na kagubatan kami nakitira ngayon. Pinagawan kami ni tiyo Erning ng maliit na kubo para may matutuloyan. Isang buwan na ang lumipas noong nangyare ang matinding labanan sa kampo ni Abdul, at isang buwan na rin akong nangungulila Kay Matteo.

Hanggang ngayon ay durog na durog parin ang puso ko. Hindi ko lubos ma isip na wala na ang lalakeng simula't una palang ang siyang iniibig ko. Itinago namin kay kuya Geo ang aming pag-iibigan dahil ayokong mabigyan Ito ng malisya. Magkakapatid ang turingan naming tatlo pero iba talaga si Matteo. Siguro dahil hindi magkalayo ang edad namin kaya mabilis kaming nahulog sa isa't-isa.

Ang masaklap lang dahil nag bunga ang aming pagmamahalan, pero sadiyang mapa-it ang ibinigay sa akin ng kapalaran dahil hindi niya na makikita ang kaniyang anak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, paano ko bubuhayin ang magiging anak namin lalo pa sa kalagayan ko ngayon.  Hindi rin makausap ng matino si Kuya Geo simula noong inilibing namin si Matteo. Katulad ko ay nag dadalamhati din siya sa pagkawala kaniyang kaibigan. Sinubukan ko siyang kausapin noon pero iniwasan niya pa rin ako. Pakiramdam ko tuloy may kasalan ako sa kaniya.

Nandito ako sa munting terasa ng kubo, at nandoon sila sa labas. Nag uusap ngayon si tiyo Erning, kuya Geo, at ang sundalong si Rico. Mabuti pinayagan siyang makapasok dito sa gubat lalo pa't kampo na ito ng mga NPA.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan at inumpisahan ito ni Rico.

"Geo, Hindi namin ma kontak ang helicopter na nag dala kay Briana. Wala rin daw balita ang command post ng manila tungkol sa kanila." (Rico)

"Na subukan niyo na ba lahat? Tinawagan mo ba ang commanding officer doon Kung meron nga—"

"Sinunod ko lahat ng sinabi mo, ser." Singit ni Rico dahilan para marinig kong humugot ng buntong hininga si Geo. "Pasensiya na, hanggang doon lang ang pwede kong magagawa. Gusto sana kitang balaan na pinapahanap ka ng kampo namin. Gusto ni major Poras na makita ka at makausap." Dagdag nito kaya nagulat ako.

Papayag kaya si kuya Geo?

"Hindi na kailangan, tapos na ako sa mundo ng digmaan, Rico." Sagot niya.

"Pero ser, hindi sila maniniwala sa akin kung hindi ka pupunta. Malaking issue ngayon ito dahil dalawang taon ang pag plano ng mga militar para sakupin ang kampo ni Abdul, samantalang nagawa mo 'yon ng isang gabi lang!" (Rico)

Naging matahimik ng ilang segundo. Parang nararamdaman kong may matang nakatitig sa akin ngayon.

"Si Anabel ang importante ngayon sa akin." Rinig kong saad niya kaya napasinghap ako. "Ibinilin siya ni Matteo at tutuparin ko ang pangako ko sa kaniya. Salamat sa tulong mo kaibigan, tatanawin kong utang na loob ito sa inyo ng mga kasama mo." Saad ni Kuya Geo at rinig kong humakbang siya papunta sa akin.

"Magkikita pa ba ulit tayo, ser?!" Habol ni Rico sa kaniya.

"Kung mahahanap nila ako....posibleng mangyare 'yon." Sagot niya at narinig kong nakipagkamayan siya kay Rico.

"Good luck sa inyo ser." Habilin niya kay kuya Geo at pagkatapos ay tuloyan niya nang nilisan ang kampo.

Naramdaman ko nalang na may lumapit sa akin at inakbayan ako.

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now