Operation NIGHTFALL

639 22 19
                                    


Written by Angelovee

Prologue








"Ayan na siya!"

"That's him?!"

"Wag mo siyang tingnan sa mata!"

"It's him!"

"Salute!!! Sumaludo kayo sa kaniya!"

Ito palagi ang naririnig kong mga bulong-bulongan ng ibang mga sundalo na baguhan.

Hindi ko alam kung pagpupuri ito dahil sa mga naririnig nila tungkol sa akin, o' baka dahil Nakita ng mismong mga mata nila ang sundalong binansagang the GHOST of Zindaque.

Katulad nila ay nagsimula rin ako sa pinakababa. Dugo't pawis ang aking pinuhunan para ma rating ko ang aking posisyon ngayon. Hindi rin madali, marami akong pinagdaanan na hindi pangakaraniwan  at hanggang ngayon ay wala pa akong sinabihan sa nag iisang sekreto ng aking pagkatao.

Bakit GHOST of Zindaque??

Nagsimula ang lahat noong ako'y baguhan palang. Sa murang edad ay agad akong nasabak sa labanan na walang karanasan.

"Private!! Come here!" Sigaw ng aking commander officer na si Sergeant Cruz

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Private!! Come here!" Sigaw ng aking commander officer na si Sergeant Cruz.

Isa siyang batikan na sundalo at marami ang humahanga sa kaniya. Kaibigan siya ng aking ama kaya sa kaniya mismo ako sinalpak para matuto ng maayos.

Ngunit...

Sa hindi inaasahang pangyayare ay biglang pinatawag ang aming platoon para sa isang retrival operation sa Zindaque Nigeria. Isa itong joint operation ng U.N kaya nasali ang grupo ng pilipinas sa kauna-unahang pagsasanib pwersa ng mga military.

Kami ang second dispatch group at ang platoon namin ang papasok sa kampo. We were all ready, sa totoo lang takot na takot ako noon, ang daming pumapasok sa isip ko dahil bakit ito pa ang unang misyon na pinasok ko.

Kilala ang Nigeria bilang one of the worst country in the world. Their country is being led by a dictator at sa panahong iyon ay sila ang aming matinding kalaban.

Our mission is a retrival operation, isang importanteng bagay ang aming kukunin doon, iyan lang ang alam ko. Sumusunod lang ako sa utos ng aking opisyal kaya ang pag tanong ay hindi ko na kinaugali-an.

Tandang-tanda ko pa ang kadiliman ng gabing 'yon, ang lakas ng ulan at wala akong ibang naririnig kundi mga putukan sa magkabilang dereksiyon. Binabanatan ng kabilang tropa ang mga kalaban para makalapit kami nang hindi napapansin.

Biglang sumenyas si sarhento na huminto at umutos na gupitin ang naka harang na chicken wire sa aming harapan.

Na sa likod niya ako at nanginginig na sa takot. Siguro na pansin niya ako kaya agad niya akong tinapik sa balikat.

Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now